Derek Ramsay, natawa sa balitang hiwalay na sila ni Ellen Adarna
- Tinawanan lamang ni Derek Ramsay ang maling balita na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ellen Adarna habang ibinahagi niya ang isang screenshot ng post tungkol dito sa kanyang Instagram Stories
- Kumalat ang tsismis na umano’y pinirmahan na ni Adarna ang kanilang annulment papers sa kabila ng kanilang madalas na pagpapakita ng pagmamahalan sa social media
- Sa isang panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang mabilisang pag-iibigan at ang matibay nilang relasyon bilang pamilya
- Nananatiling matatag ang pagsasama nina Ramsay at Adarna na ikinasal noong 2021 at biniyayaan ng anak na si Liana noong nakaraang taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilan ni Derek Ramsay na matawa at ipagkibit-balikat ang kumakalat na maling balita na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Ellen Adarna.

Source: Instagram
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories noong Lunes, Pebrero 17, ibinahagi ng aktor ang isang screenshot ng social media post na nagsasabing umano’y pinirmahan na ni Adarna ang kanilang annulment papers. Sa halip na magbigay ng direktang pahayag, naglagay lamang si Ramsay ng limang rolling on the floor laughing emoji bilang tugon.
Ang naturang tsismis ay lumabas sa kabila ng madalas na pagpapakita ng pagmamahalan nina Ramsay at Adarna sa social media, kabilang na ang kanilang sweet posts noong Araw ng mga Puso.

Source: Instagram
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang sa isang panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang kwento ng pagmamahalan, kung saan inamin nilang tatlong buwan lamang silang nag-date bago nagpakasal.
“Parang nagayuma, para mo akong nagayuma. Yes, I’m sure,” sagot ni Adarna nang tanungin kung bakit siya nagdesisyong pakasalan si Ramsay. “Pero hindi ko talaga masagot ‘yun dahil parang, ‘Yeah, this is the one. No questions, no doubts.’”
Samantala, ibinahagi rin ni Ramsay ang kanyang paghanga kay Adarna bilang isang ina, na aniya’y isa sa mga dahilan kung bakit siya na-in love rito.
“I remember she told me that she wanted to become a good mom to Elias… to better herself, to be a better mom to Elias,” saad ni Ramsay, patungkol sa anak ni Adarna sa dating nobyong si John Lloyd Cruz.
Naging mag-asawa sina Adarna at Ramsay sa isang wedding sa Bataan noong 2021. Noong Oktubre ng nakaraang taon, isinilang ang kanilang anak na si Liana.
Sa kabila ng mga usap-usapan, nananatiling matibay ang pagsasama ng dalawa at patuloy nilang pinapakita ang kanilang pagmamahalan sa publiko.
Si Derek Ramsay ay isang Filipino-British actor, model, at host na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at teleserye sa Pilipinas. Sumikat siya sa mga romantic-comedy at drama films tulad ng No Other Woman, The Unmarried Wife, at Kasal.
Bukod sa pagiging artista, isa rin siyang dating TV host at naging bahagi ng iba't ibang programa sa ABS-CBN, TV5, at GMA Network. Kilala rin si Derek sa kanyang athleticism, lalo na sa larangan ng frisbee at golf.
Sa isang eksklusibong panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mabilis ngunit matibay nilang pagmamahalan na nagbunsod sa kanilang pagpapakasal.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Derek ang isang video kasama ang kanyang anak kay Ellen Adarna, kung saan kinakantahan niya ito. Ngunit imbes na purong positibong komento ang matanggap, may isang netizen na nagbigay ng malisyosong pahayag:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh