Kris Aquino, pinasalamatan ng isang netizen na kanyang tinulungan

Kris Aquino, pinasalamatan ng isang netizen na kanyang tinulungan

- Isang netizen ang nagpasalamat kay Kris Aquino at sa kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby sa tulong na kanilang ibinigay para sa pagpapagamot ng kaniyang ama

- Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Kharen Tayhon ang kaniyang taos-pusong pasasalamat kay Kris at sa doktor ng kaniyang ama na si Dr. Padlan

- Maraming netizens ang humanga kay Kris dahil sa kabila ng kaniyang karamdaman, patuloy pa rin siyang tumutulong sa iba

- Pinuri siya ng publiko sa kaniyang kabutihang loob at ipinagdasal ang kaniyang patuloy na paggaling

Isang netizen ang nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Kris Aquino matapos makatanggap ng tulong mula sa Queen of All Media para sa pagpapagamot ng kaniyang ama.

Kris Aquino, pinasalamatan ng isang netizen na kanyang tinulungan
Kris Aquino, pinasalamatan ng isang netizen na kanyang tinulungan (PHOTOS: @krisaquino/Istagram &Kharen Tayhon/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post, ipinaabot ni Kharen Tayhon ang kaniyang lubos na pasasalamat kay Kris at sa mga anak nitong sina Josh at Bimby sa kabutihang loob na ipinakita nila.

“Maraming maraming salamat po Ma’am Kris Cojuangco Aquino pati na po sa inyong anak na sina Josh and Bimb. Sobrang malaking tulong na po ang inyong ibinigay para sa aking papa. Sana po ay bigyan ka pa ng mahabang buhay ng Poong Maykapal,” saad ni Tayhon.

Read also

Rufa Mae Quinto, may nakakaantig na mensahe para sa anak na si Athena

Nagpasalamat din siya sa doktor na si Dr. Padlan, at sa Panginoon sa biyayang natanggap nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming netizens ang humanga kay Kris sa kabila ng sarili niyang laban sa sakit, dahil patuloy pa rin itong tumutulong sa iba.

“Kahit na siya ang may sakit, tumutulong pa rin! We will pray for both of you!” komento ng isang netizen.

“Ang busilak ng iyong puso, Ms. Kris! Maraming salamat sa iyong generosity at kabaitan,” dagdag pa ng isa.

Sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman, patuloy na pinatutunayan ni Kris Aquino na ang kaniyang malasakit sa kapwa ay hindi natitinag, dahilan para muli siyang hangaan ng marami.

Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.

Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.

Read also

Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate