Mika Salamanca, nilinaw ang kanyang koneksyon sa Apex Pacific Corporation

Mika Salamanca, nilinaw ang kanyang koneksyon sa Apex Pacific Corporation

- Nilinaw ni Mika Salamanca na hindi na siya konektado sa Apex Pacific Corporation at pormal siyang bumaba bilang COO noong 2024

- Ipinahayag niya na ang kanyang papel sa kumpanya ay nominal lamang at hindi siya kasali sa pang-araw-araw na operasyon o mahahalagang desisyon

- Ipinabatid niya ang kanyang simpatiya sa mga apektadong distributor at tiniyak na kumikilos ang Apex upang tugunan ang isyu ayon sa batas

- Humingi siya ng paumanhin sa mga nadismaya at umaasa siya na maaabot ang isang maayos na resolusyon sa isyu

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos madawit sa kontrobersiya sa pagitan ng Apex Pacific Corporation (Apex) at mga distributor nito, nagsalita na si Mika Salamanca upang linawin ang kanyang posisyon. Ayon sa kanya, ilang linggo na ang nakalilipas nang maiugnay ang kanyang pangalan sa isyu, kung saan inirereklamo ng mga distributor ang umano'y pagkaantala ng mga order sa kabila ng naibayad na paunang bayad.

Mika Salamanca, nilinaw ang kanyang koneksyon sa Apex Pacific Corporation
Mika Salamanca, nilinaw ang kanyang koneksyon sa Apex Pacific Corporation (PHOTO: Mika salamanca/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang pahayag, ipinunto ni Salamanca na nauunawaan niya ang hinaing ng mga distributor at kinikilala ang naging epekto nito sa kanyang pamilya, kaibigan, at mga kasamahan. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi na siya konektado sa Apex Pacific Corporation at pormal siyang nagpaabot ng kanyang desisyon na bumaba bilang Chief Operating Officer (COO) sa pagtatapos ng 2024. Aniya, hindi niya kailanman ginampanan ang tungkulin bilang COO kundi itinalaga lamang siya bilang mukha ng brand.

Read also

Jessa Zaragoza, tinamaan ng influenza: "Napakanta na talaga ako ng 'Parang Di Ko Yata Kaya'”

Dagdag pa niya, hindi siya naging bahagi ng pang-araw-araw na operasyon ng kumpanya at wala siyang papel sa mahahalagang desisyon sa pamamahala. Wala rin umano siyang natanggap na kita o anumang kompensasyon mula sa negosyo, at hindi rin siya sangkot sa anumang pakikitungo nito sa mga ahensiyang namamahala sa regulasyon.

Bagaman wala na siyang opisyal na kaugnayan sa kumpanya, ipinahayag ni Salamanca ang kanyang simpatiya sa mga apektadong distributor. Aniya, nakipag-ugnayan siya sa pamunuan ng Apex at siniguro sa kanya na tinutugunan na ng kumpanya ang isyu at gumagawa ng mga hakbang upang maayos ang mga transaksyon sa lalong madaling panahon alinsunod sa batas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huli, humingi ng paumanhin si Salamanca sa mga nadismaya sa nangyari at iginiit na wala siyang intensyong makapinsala. Umaasa siya na maaabot ang isang maayos na resolusyon sa isyu at hinangad ang mabuting kinabukasan para sa Apex at mga distributor nito.

Si Mika Salamanca ay isang kilalang Filipino content creator, YouTuber, at social media influencer. Nakilala siya sa paggawa ng vlogs, lifestyle content, travel videos, at iba pang entertainment-related content sa YouTube at iba pang social media platforms. Mayroon siyang milyon-milyong subscribers at followers, lalo na sa Pilipinas at sa international community.

Read also

Jellie Aw, naglabas ng pahayag matapos ang dinanas: "Kailangan ko muna magpahinga"

Ibinunyag ni Mika Salamanca sa kanyang YouTube channel at mga social media account na sumailalim siya sa rhinoplasty upang mapaganda ang anyo ng kanyang ilong. Naglabas ang vlogger ng isang vlog na nagpapakita ng kanyang karanasan sa plastic surgery at nag-post sa social media upang ipahayag na siya ay “opisyal nang retokada.”

Kamakailan ay napasugod sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang ilang may-ari ng vape shops upang ireklamo ang influencer at Chief Operating Officer ng Flare vape brand na si Mika Salamanca, pati na rin ang kanyang business partner na si Paul Jefferson Vivas, presidente ng Apex Pacific Corp., ang importer ng nasabing produkto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate