Zeinab Harake, binahagi ang prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr.
- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang ilang prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. sa social media
- Nag-propose si Bobby Ray kay Zeinab noong Hulyo 2024 sa isang engrandeng proposal bago siya naman ang nag-propose kay Ray noong Setyembre sa Japan
- Sa kanyang vlog, ipinakita ni Zeinab ang pagbili niya ng Cartier engagement ring sa Nagoya at ang kanyang simpleng ngunit makabuluhang proposal sa isang esplanade
- Masaya nilang ipinakita ang kanilang mga singsing at muling ipinahayag ang kanilang pagmamahal at pagiging engaged sa isa't isa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ipinakita ng social media personality na si Zeinab Harake ang ilang prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. sa isang post sa social media. Kasabay nito, nagbahagi rin siya ng isang makahulugang mensahe: "When God restores you, He doesn’t bring you back to where you were, He brings you back better than before. 🖤".
![Zeinab Harake, binahagi ang prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. Zeinab Harake, binahagi ang prenup photos nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr.](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/085d6920bb1c4570.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Matatandaang naganap ang engrandeng proposal ni Bobby Ray kay Zeinab noong Hulyo 2024. Makalipas ang dalawang buwan, nagdesisyon si Zeinab na siya naman ang mag-propose kay Bobby Ray habang sila ay nasa Japan.
Sa kanyang binahaging vlog, ipinakita ni Zeinab ang pagbili niya ng isang Cartier engagement ring sa Nagoya. Ayon sa kanya, hindi lang dapat ang mga babae ang binibigyan ng singsing, kundi pati na rin ang mga lalaki. Dinala niya si Bobby Ray sa isang esplanade kung saan isinagawa niya ang kanyang simpleng ngunit punong-puno ng pagmamahal na proposal.
Sa isang nakakakilig na eksena, lumuhod si Zeinab at inilagay ang singsing sa kamay ni Bobby Ray, na halatang kinilig sa pangyayari. Bagamat hindi na niya tinanong ang fiancé kung sasagutin siya, masaya pa rin nitong tinanggap ang proposal at muling kinumpirma ang kanilang pagiging engaged.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Simple lang ‘yan, pero punong-puno ng pagmamahal," ani Zeinab. "Hindi naman dapat puro babae lang ang binibigyan, dapat tayo rin sa ating mga minamahal."
Kinumpirma ni Zeinab ang relasyon nila ni Bobby Ray noong 2023 sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda. Mayroon siyang dalawang anak—si Bia, ang kanyang anak kay Skusta Clee, at si Lucas, ang kanyang adopted son. Samantala, si Bobby Ray, na isang Asian import player para sa Nagoya Diamond Dolphins, ay malapit na rin sa mga anak ni Zeinab at tinuturing silang bahagi ng kanyang buhay.
Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.
Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.
Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh