Jessa Zaragoza, tinamaan ng influenza: "Napakanta na talaga ako ng 'Parang Di Ko Yata Kaya'”
- Nagkasakit si Jessa Zaragoza ng matinding trangkaso matapos makaranas ng upper respiratory infection at pagkawala ng boses habang patuloy na tinatapos ang kanyang mga trabaho
- Sa kabila ng pag-inom ng antibiotics at pansamantalang paggaling, lumala ang kanyang kondisyon at nakaranas siya ng pananakit ng katawan, tuyong ubo, at paulit-ulit na lagnat
- Ibinahagi niyang halos mapaiyak siya at nagbirong napakanta siya ng “Parang Di Ko Yata Kaya” dahil sa tindi ng kanyang ubo na umabot pa sa pagsakit ng kanyang gilagid
- Nagpasalamat siya sa kanyang pamilya, kaibigan, at mga doktor na tumulong sa kanyang paggaling habang nagpaalala sa publiko na pahalagahan ang kanilang kalusugan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi nakaligtas ang OPM singer na si Jessa Zaragoza sa matinding influenza na tila sumubok sa kanyang kalusugan nitong mga nakaraang linggo. Sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan mula sa unang sintomas hanggang sa tuluyang paglubha ng kanyang kondisyon.
![Jessa Zaragoza, tinamaan ng influenza: "Napakanta na talaga ako ng 'Parang Di Ko Yata Kaya'” Jessa Zaragoza, tinamaan ng influenza: "Napakanta na talaga ako ng 'Parang Di Ko Yata Kaya'”](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/14e2e60519ced211.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Ayon kay Jessa, nagsimula siyang makaramdam ng panghihina noong Enero 22 ngunit itinuloy pa rin niya ang kanyang trabaho, kabilang ang taping para sa Sing Galing. Sa loob lamang ng dalawang araw, tuluyan na siyang nawalan ng boses at nakumpirmang may upper respiratory infection. Agad siyang niresetahan ng antibiotics na tumulong sa kanyang paggaling, sapat upang mairaos ang kanyang performance sa Vehnee Saturno Show noong Enero 31.
Inakala niyang tuluyan na siyang gagaling, ngunit sunod-sunod ang lumitaw na sintomas—pananakit ng katawan, tuyong ubo, at paulit-ulit na lagnat. Noong Pebrero 3, kahit may nararamdaman pa, tinapos niya ang kanyang huling work commitments. Ngunit nang sumunod na araw, tuluyan nang bumagsak ang kanyang katawan sa matinding trangkaso na aniya ay hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya bilang isang adulto.
"Napakanta na talaga ako ng ‘Parang Di Ko Yata Kaya’ habang naiiyak ako kakaubo," pagbibiro ng singer, sabay banggit na halos sumakit pati ang kanyang gilagid dahil sa matinding ubo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng kanyang dinanas, nagpasalamat siya sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan na nagpadala ng mensahe, pagkain, prutas, at gamot upang matulungan siyang makabawi. Nagbigay din siya ng espesyal na pasasalamat sa kanyang mga doktor na sina Dr. Jocelyn Cobankiat, Dr. Maita Feliciano, at Dr. Michael Gan.
Bilang pagtatapos, nagpaalala si Jessa sa lahat na alagaan ang kanilang kalusugan. “Let’s all take this as a lesson to listen to your body and its needs… Health is wealth after all,” aniya.
Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala sa kanyang screen name na Jessa Zaragoza ay isang commercial model, singer at actress. Nakilala din siya sa bansag na "Phenomenal Diva." Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Sa Aking Puso, Di Ba't Ikaw, Bakit Pa? at marami pang iba. Ikinasal siya sa kapwa mang-aawit na si Dingdong Avanzado noong March 18, 2001.
Sa unang ulat ng KAMI, maituturing ng pamilya ni Jessa na isa sa pinaka-shocking na karanasan ang nangyari kay Dingdong Avanzado. Umuwi umano ito mula sa kanyang paglalaro ng golf na nahihilo matapos siyang kuyugin ng mga bubuyog. Dahil sa kanyang pag-aalala ay sinabihan ni Jessa ang mister na magpasugod na sa ospital ngunit umayaw umano ito. Gayunpaman, napilitan siyang magpa-ospital matapos siyang pagsabihan ng anak at kinalaunan ay naging maayos na umano ang kalagayan nito.
Samantala, sa isang TikTok video ay pinasilip ni Jayda Avanzado ang behind-the-scenes ng pictorial nila. Kasama niya ang kanyang kapwa mga Star Magic stars na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Umani ng maraming komento at reaksiyon ang naturang video dahil dito makikita ang muling pagsasama nina Francine at Andrea. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa kaya marami ang naintriga sa naturang video.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh