Driver ni Ivana Alawi, naiyak dahil sa intense na prank ng amo
- Binahagi ni Ivana Alawi ang kanyang video kung saan napagpasyahan niyang idaan sa prank ang pagbigay-pugay niya sa kanilang driver na walong taon na sa kanila
- Palagi umano itong kasa-kasama ni Ivana at palaging nakakasaksi ng mga prang-pa-prank ng amo
- Sa naturang video ay napagkaisahan nila ang driver sa pamamagitan ng pagtangay ng nakaparadang kotse ni Ivana na nagkakahalaga ng 20 M
- Hindi nito napigilang maiyak lalo nang sabihin ni Ivana na ipapa-pulis umano niya ito at baka may kakuntsaba ito na tangayin ang kanyang kotse
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang emosyonal na sandali ang naganap nang mapagkaisahan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang driver sa isang prank na hindi nito inasahan. Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivana kung paano niya inisip na gawing kakaiba ang kanyang paraan ng pasasalamat sa tapat nilang driver na nasa kanilang serbisyo na ng walong taon.
![Driver ni Ivana Alawi, naiyak dahil sa intense na prank ng amo Driver ni Ivana Alawi, naiyak dahil sa intense na prank ng amo](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/41b7a930f16b1f6f.jpeg?v=1)
Source: Youtube
Ayon kay Ivana, palagi niyang kasa-kasama ang kanyang driver at madalas nitong nasasaksihan ang kanyang mga prank sa iba. Kaya naman, naisip nilang siya naman ang biktimahin sa pamamagitan ng kunwaring pagkawala ng kanyang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng ₱20 milyon. Sa video, makikita ang matinding kaba at pagkabigla ng driver nang makita niyang wala na sa nakaparadang lugar ang sasakyan.
![](https://cdn.kami.com.ph/images/360x203/0a310b7ad70756c9.jpeg?v=1)
Read also
Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background
Lalong naging emosyonal ang driver nang sabihin ni Ivana na ipapa-pulis siya at baka may kinalaman siya sa pagkawala ng sasakyan. Hindi nito napigilang maiyak sa takot at kaba, lalo’t hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Ngunit matapos ang ilang minuto ng tensyon, inamin na ni Ivana na prank lamang ito, dahilan upang tila mabunutan ng tinik ang kanyang driver.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bilang bahagi ng kanyang pasasalamat, binigyan ni Ivana ang kanyang driver ng ₱100,000. Ayon dito, gagamitin niya ang pera bilang pambayad sa tuition fee ng kanyang anak. Maraming netizens ang naantig sa video at pinuri si Ivana sa kanyang pagmamalasakit sa kanyang loyal na driver.
Narito ang ilang komento ng netizens:
Saludo ko kay kuya Batang.. sobrang humble nya kahit napipressure na sya dahil sa nangyayari di pa rin sya nagagalit.. dun pa lang talagang mabuting tao si kuya.. Galing ni Mam Ivana
Sa dami ng na prank ni Ivana, dito lang ako naiyak.. Sobrang taas ng respeto ko sa mga Driver, as my Papa was also a family/company driver.
Grabe kahit prank lang naiyak ako para kay kuya batang, ang bait nya kalma lang tlga sya hanggang matapos ang prank.
Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.
Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra.
Nagbahagi si Ivana ng mensahe matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa "Batang Quiapo". Inalala niya ang kanyang pag-aalinlangan noong una siyang inalok ng papel ngunit tinanggap ito dahil sa tiwala sa ABS-CBN at Direk Coco.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh