Gabbi Garcia, ipinakilala bilang Kapuso Pinoy Big Brother host

Gabbi Garcia, ipinakilala bilang Kapuso Pinoy Big Brother host

  • Ipinakilala na si Gabbi Garcia bilang pinakabagong Pinoy Big Brother host
  • Matatandaang kamakailan, inanunsyo na mapapanood na rin sa Kapuso network ang Pinoy Big Brother
  • Sa kanyang socmed post, ibinahagi ni Gabbi na minsan siyang nag-audition sa Pinoy Big Brother taong 2012
  • Hindi man pinalad na maging hosemate ni kuya, tila iba ang itinadhana sa kanya ng nasabing programa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinakilala na ang pinakabagong magiging host ng Pinoy Big Brother ngayong taon na Gabbi Garcia.

Gabbi
Photo from Gabbi Garcia/ GMA Network
Source: Facebook

Siya ang pinakaunang Kapuso na magiging 'angel' ni Kuya sa pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Big Brother.Siya ang pinakaunang Kapuso na magiging 'angel' ni Kuya sa pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Big Brother.

Sa kanyang socmed post, naibahagi ni Gabbi ang kanyang excitement sa pagiging bagong host ng kilalang reality show sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hello, Philippines! Hello, World! Hello, Mga Kapamilya & Kapuso! I’m beyond excited to announce that I’ll be one of your hosts for the upcoming Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition! See you all sa Bahay ni Kuya!"

Read also

Babae sa Siargao na ni-link kay Philmar Alipayo, nagsalita na ukol sa mga chismis

Naikwento rin ni Gabbi ang minsan niyang pag-auditon para maging housemate ni kuya subalit tila iba ang itinadhana para sa kanya sa nasabing programa.

"Fun fact: Back in 2012, I auditioned for PBB Teen Edition Season 4! (Check last 2 photos! 😂) Fast forward to 2025—looks like I was meant to host it instead! Or who knows? Maybe there’s still more in store."
"This is a huge milestone, and I can’t wait to share this experience with all of you! Game na ba kayo?!"

Samantala, sa programang All Out Sundays naganap ang rebelasyon na ibinahagi rin ng GMA Network Facebook.

Ang Pinoy Big Brother ay isa sa popular na reality show ng ABS-CBN na nagsimula noong 2005. Sa unang season nito, 13 na mga housemates ang nanatili sa bahay ni kuya subalit apat lamang ang natira upang masungkit ang pagiging isang big winner. Si Nene Tamayo ang kauna-unahang big winner ng PBB.

Read also

Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa

Matatandaang kamakailan, inanunsyo na mapapanood na rin sa Kapuso network ang Pinoy Big Brother ngayong taon. Dahil ito, isa si Gabbi sa karagdagan sa mga host ng nasabing programa na kinabibilangan nina Bianca Gonzales, Kim Chiu, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee at Alexa Ilacad.

Samantala, isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa katatapos lamang na PBB Gen 11 ay nang makilala na ni Kai ang kanyang tunay na ina. Masasabing hinangaan siya ng marami dahil sa ipinakita nitong reaksyon nang tuluyan na niyang makasama at makilala ang kanyang biological mother. Marami ang naluha umano sa episode na ito dahil na rin sa kabutihang puso na ipinakita ni Kai sa kanyang ina.

Si Kai ay napabilang sa big 4 kung saan siya'y tinanghal bilang 4th big placer. Si Kolette naman ang nakasungkit ng titulong 3rd big placer habang si Rain naman ang pumangalawa sa big winner na si Fyang Smith. Dahil dito, patuloy ang pamamayagpag ng PBB Gen 11 housemates sa kani-kanilang career. Katunayan, ginanap kamakailan ang album launch at fan meet sa isa sa kanila na si Jarren Garcia na ginanap sa Skydome ng SM NOrth Edsa noong Pebrero 7 at 8.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica