Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa

Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa

  • Napansin ng mga netizens na hindi na naka-follow sa isa’t isa sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Instagram kasunod ng mga cryptic posts ni Andi
  • Ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram Stories ang ilang makahulugang mensahe na tila may kaugnayan sa isang hindi malinaw na isyu sa kanyang personal na buhay
  • Isa sa mga post ni Andi ay naglalaman ng tanong tungkol sa isang life partner at isang kaibigan, kung saan sinabi niyang nakatanggap siya ng validation mula sa ChatGPT
  • Wala pang opisyal na pahayag mula kina Andi at Philmar tungkol sa kanilang estado, ngunit patuloy ang espekulasyon ng publiko sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi na pagkaka-follow nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa isa’t isa sa Instagram. Napansin ito ng mga netizens matapos mag-post si Andi ng sunod-sunod na cryptic messages sa kanyang Instagram Stories, na tila may kinalaman sa isang hindi malinaw na isyu sa kanyang buhay personal.

Read also

Kapatid ni Barbie Hsu, pinabulaanang ang ex ng kapatid ang nagbayad sa private jet

Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa
Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa (@andieigengirl/Instagram)
Source: Instagram

Isa sa mga naging makahulugang post ni Andi ay, "I just found out it's the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!" Bukod dito, ibinahagi rin niya ang isang tanong na kanyang ipinaabot sa ChatGPT tungkol sa isang isyu sa pagitan ng isang "life partner" at isang kaibigan, na ayon sa kanya ay nagbigay ng validation sa kanyang nararamdaman.

Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa
Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa (@andieigengirl/Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa pang post ang nagbigay ng mas maraming espekulasyon sa publiko: "Or but also maybe she could be thinking 'You said you were broken up and he said you went crazy for having feelings, so I'd be on his side 100% cus I don’t give a f** about you or your little children! Cus you crazy and I'm most definitely not doing this because I'm actually toxic af!' But maybe that's just me... Since I'm the crazy one!"*

Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa
Netizens, napansing hindi naka-follow sina Philmar at Andi sa isa’t isa (@andieigengirl/Instagram)
Source: Instagram

Dahil sa mga post na ito, lalong umugong ang hinala ng netizens na may pinagdaraanan sina Andi at Philmar. Sa kabila ng mga espekulasyon, wala pang opisyal na pahayag mula sa magkabilang panig tungkol sa kanilang estado bilang mag-partner.

Read also

Sulat ni Barbie Hsu para sa anak na kasama sa sinulat niyang libro, umantig sa marami

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate