Barbie Hsu, pinangarap na magkaroon ng ng 'many kids' sa edad na 50
- Muling lumutang ang isang 2003 interview ni Barbie Hsu kung saan ibinahagi niya ang pangarap na maging isang lola na may malaking pamilya sa edad na 50
- Sa naturang panayam kasama si Kris Aquino, sinabi ni Barbie na maaaring isa na siyang lola o may maraming anak pagsapit ng nasabing edad
- Pumanaw ang “Meteor Garden” star sa edad na 48 dahil sa pneumonia na dulot ng komplikasyon mula sa trangkaso habang nasa Japan
- Naulila ni Barbie ang kaniyang asawang si Koo Jun-yup at ang kaniyang dalawang anak mula sa dating asawang si WangXiaofei
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling naging usap-usapan ang isang panayam kay Barbie Hsu noong 2003 matapos ang kaniyang biglaang pagpanaw sa edad na 48. Sa naturang interview, ibinahagi ng “Meteor Garden” star ang pangarap niyang maging isang lola na may malaking pamilya pagsapit niya ng 50 taong gulang.
Si Barbie at ang kaniyang kapatid na si Dee Hsu ay nakapanayam ni Kris Aquino noong 2003 nang bumisita sila sa Pilipinas para sa "Happy 50 TV" concert ng ABS-CBN.
Sa isang maikling video clip na ibinahagi ng official fan page ni Kris Aquino sa Instagram, muling narinig ang naging sagot ni Barbie nang tanungin siya ni Aquino, “What do you want to be when you’re 50 years old?”
Unang sumagot si Dee at sinabi niyang nais niyang maging isang masayang babae na may mga apo. Dagdag pa niya, “I just aimed to be a ‘lazy but rich girl.’”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasunod nito, sinabi naman ni Barbie, “I want to be a shopping queen.”
Nang tanungin kung nakikita ba niya ang sarili niya sa showbiz pagsapit ng 50, sagot niya, “Maybe I’m a grandmom, or have many children.”
Idinagdag pa niya na nais niyang magkaroon ng dalawa o tatlong anak, ngunit kinuwestiyon ni Aquino kung sapat na ito para matawag na “many.”
“But they will have children, too,” sagot naman ng Taiwanese actress na may halong tawa.
Matatandaang pumanaw si Barbie sa edad na 48 dahil sa pneumonia na dulot ng komplikasyon mula sa trangkaso habang nasa Japan. Iniulat din na mayroon siyang kasaysayan ng epilepsy at sakit sa puso.
Naulila niya ang kaniyang asawang si Koo Jun-yup, na mas kilala bilang “DJ Koo,” pati na rin ang kaniyang dalawang anak mula sa dating asawang si WangXiaofei, isang Chinese businessman. Inaasahang iko-cremate ang labi ng aktres sa Japan bago ito ibalik sa Taiwan.
Si Barbie Hsu ay kinilala sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ang Taiwanese adaptation ng Boys Over Flowers, na naging isang global phenomenon noong early 2000s. Maraming Pilipino ang lumaki at nahumaling sa serye, kaya’t ang pag-awit ni Josh Santana ng Tagalog na bersyon ng kanta ay nagdulot ng emosyonal na pagkakaisa sa mga tagahanga ng yumaong aktres.
Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.
Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh