Josh Santana, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu

Josh Santana, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu

  • Inawit ni Josh Santana ang Tagalog version ng Qing Fei De Yi bilang paggunita kay Barbie Hsu at pagbibigay-pugay sa kanyang naiambag sa Meteor Garden
  • Sinabi niyang matagal nang hinihiling sa kanya ng mga tagahanga na kantahin ito ngunit hindi niya agad nagawa dahil sa kanyang abalang iskedyul
  • Ipinahayag niya na hindi na niya maaaring ipagpaliban pa ang pag-awit nito lalo na ngayon na maraming tagahanga ang nais alalahanin si Barbie Hsu
  • Nakiramay siya sa mga tagahanga sa pag-alala kay Hsu at nagpasalamat sa aktres sa pagiging bahagi ng kanilang alaala sa Meteor Garden

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinahayag ng singer na si Josh Santana ang kanyang taos-pusong pag-alala sa Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa pamamagitan ng pagkanta ng Tagalog version ng iconic na awitin na Qing Fei De Yi, ang theme song ng sikat na drama series na Meteor Garden.

Josh Santa, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu
Josh Santa, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu (PHOTOS: @thejoshsantana, @kenchu9/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang pahayag, sinabi ni Santana na matagal nang hinihiling sa kanya ng maraming tagahanga na kantahin ang awitin ngunit dahil sa kanyang abalang iskedyul, hindi niya ito agad nagawa.

Read also

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

"I’ve been asked to sing this so many times before and I’ve kept many people waiting because of my busy schedule.

Gayunpaman, dahil sa pagpanaw ng maituturing na isa sa pinakamahalagang karakter sa Meteor Garden, minabuti niyang kantahin ang awiting ito bilang pagbibigay-pugay na rin at pag-alala sa yumaong si Barbie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

However, I can no longer keep an entire generation of Meteor Garden fans waiting most especially now that we all would like to pay tribute to the one and only Barbie Hsu who gave life to the character of Shan Cai," ani Santa.

Dagdag pa niya, nais niyang makiisa sa mga tagahanga sa paggunita kay Hsu na gumanap bilang Shan Cai sa nasabing serye. "I join you guys in remembering this great icon Barbie Hsu. Thank you Barbie!! Rest in peace," aniya.

Matatandaang si Josh ang kumanta ng awiting 'Biyahe,' ang Tagalog version ng 'Xing Fei De Yi,' isa sa mga OST ng Meteor Garden.

Read also

Labi ni Barbie Hsu, ipapa-cremate sa Japan bago iuwi sa Taiwan

Si Barbie Hsu ay kinilala sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ang Taiwanese adaptation ng Boys Over Flowers, na naging isang global phenomenon noong early 2000s. Maraming Pilipino ang lumaki at nahumaling sa serye, kaya’t ang pag-awit ni Josh Santana ng Tagalog na bersyon ng kanta ay nagdulot ng emosyonal na pagkakaisa sa mga tagahanga ng yumaong aktres.

Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.

Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate