Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa

Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa

  • Pumanaw si Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa komplikasyon ng inflenza at pulmonya ilang araw bago ang ikatlong anibersaryo ng kanyang kasal kay DJ Koo
  • Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Dee Hsu ang balita na nagdulot ng matinding pagluluksa sa industriya ng entertainment at sa kanyang mga tagahanga
  • Nakilala si Barbie sa kanyang iconic na papel sa "Meteor Garden" at hinangaan siya sa kanyang matapang na pananaw sa pag-ibig at relasyon
  • Muling nagkabalikan sina Barbie at DJ Koo makalipas ang 20 taon at ipinarehistro nila ang kanilang kasal noong Pebrero 8, 2022

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Labis na ikinalulungkot ng mundo ng showbiz ang biglaang pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48 dahil sa komplikasyon ng trangkaso at pulmonya. Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Dee Hsu ang malungkot na balita, na nagdulot ng matinding pagdadalamhati sa kanyang mga tagahanga at kapwa artista.

Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa
Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa (PHOTOS: Korean Entertainment Portal)
Source: Youtube

Nakilala si Barbie Hsu sa kanyang iconic na papel bilang Shan Cai sa sikat na seryeng “Meteor Garden,” na naging daan upang siya ay kilalanin sa buong Asya. Maliban sa kanyang talento sa pag-arte, hinangaan din siya sa kanyang matapang at matinding pananaw sa pag-ibig, na nagbunga ng ilang kilalang relasyon sa kanyang buhay.

Read also

Xander Arizala, humingi ng tulong para sa pagpapaayos ng ngipin

Isa sa mga pinakakilalang yugto ng kanyang buhay pag-ibig ay ang muling pagkakaibigan at pagmamahalan nila ng South Korean singer na si DJ Koo, dalawang dekada matapos ang kanilang unang relasyon. Muling nagtagpo ang kanilang mga landas matapos ang hiwalayan ni Barbie kay W^ng Xiaofei, at noong Pebrero 8, 2022, opisyal nilang ipinarehistro ang kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, ilang araw bago sana ipagdiwang ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa, pumanaw si Barbie, dahilan upang magluksa hindi lamang ang kanyang pamilya kundi pati na rin ang kanyang mga tagahanga sa buong mundo.

Sa isang panayam noon, sinabi ni DJ Koo na si Barbie ang kanyang inspirasyon at tahanan, kaya't ipinatatak niya sa kanyang braso ang pangalan nito at ang coordinates ng Taiwan bilang simbolo ng kanilang walang hanggang pag-ibig.

Sa ngayon, patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay mula sa mga tagahanga at kasamahan ni Barbie sa industriya ng entertainment, habang inaantabayanan ang opisyal na detalye ng kanyang burol.

Read also

Catriona Gray, emosyonal habang kumakanta si TJ Monterde ng 'Hanggang Dito Na Lang'

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, tuluyan nang isinapubliko ni Barbie at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay. Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie at ng kanyang asawa Hunyo ng taong 2021.

Matatandaang mahigit tatlong buwan matapos ang kanyang divorce sa unang asawa, isinapubliko ng Taiwanese star ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mismong IG post ng South Korean rapper na si Koo Jun-yup.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate