Anne Curtis at anak na si Dahlia, kinagiliwan sa kanilang duet
- Kinagiliwan ng marami ang bagong video ng mag-inang sina Anne Curtis at Dahlia
- Makikitang nag-eenjoy ang mag-ina na mag-videoke
- Lalong natuwa ang mga nakapanood sa caption na nailagay ni Anne sa video
- Kamakailan, ibinahagi rin ni Anne ang masayang bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Zambales
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinida ni Erwan Heusaff ang bonding ng kanyang mag-inang sina Anne Curtis at Dahlia habang nagbi-videoke.
Sa post na ibinahagi rin ng Inquirer.net, makikitang salitang bumibirit sina Anne at Dahlia sa awiting "Eternal Flame."Sa post na ibinahagi rin ng Inquirer.net, makikitang salitang bumibirit sina Anne at Dahlia sa awiting "Eternal Flame."
"There is two of them now," ang caption ni Erwan sa kanyang story.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Napa-comment naman si Anne ng "(To be honest), I think she was following my lead."
Samantala, labis naman itong kinagiliwan ng mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Anak ka nga ni Anne, Dahlia! So Cute."
"So Adorable. Mana sa kanyang Mommy Anne"
"No doubt. Little Anne talaga si Dahlia"
"Anne na Anne! Nakakatuwa kayo"
"Alam na kung kanino nagmana si Dahlia pagdating sa kantahan"
Narito ang kabuuan ng video:
Si Dahlia ay anak ng mag-asawa na ipinanganak sa Australia noong Marso 2020. Sina Erwan at Anne ay nagsimulang mag-date noong 2010 at ikinasal sa isang wedding ceremony sa New Zealand taong 2017.
Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.
Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh