Influencer na si Mika Salamanca at business partner, pina-Tulfo dahil sa isyu ng vape products
- Napasugod sa Raffy Tulfo in Action ang ilang vape shop owners upang ireklamo sina Mika Salamanca at Paul Jefferson Vivas dahil sa hindi natanggap na vape products matapos mag-pre order
- Ayon sa mga biktima, nagbayad sila ng malaking halaga bilang downpayment ngunit wala pa rin silang natatanggap na produkto o refund hanggang ngayon
- Napag-alamang wala pang Philippine Standard License at FDA certification ang Apex Pacific Corp., ang importer ng Flare vape brand, kaya’t hindi ito maaring ibenta sa merkado
- Maghahain si Sen. Raffy Tulfo ng privilege speech upang makapagsagawa ng Senate hearing at imbestigahan ang posibleng sabwatan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at ilang vape distributors
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napasugod sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang ilang may-ari ng vape shops upang ireklamo ang influencer at Chief Operating Officer ng Flare vape brand na si Mika Salamanca, pati na rin ang kanyang business partner na si Paul Jefferson Vivas, presidente ng Apex Pacific Corp., ang importer ng nasabing produkto.
Ayon sa mga nagreklamo, nahikayat silang mag-pre-order ng mga vape products mula kina Mika at Paul noong nakaraang taon. Nagkaroon umano ng press release at engrandeng product launching events ang dalawa, kung saan ipinakita rin nila ang mga dokumentong nagpapatunay na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Apex.
Iba-iba ang halagang inilabas ng mga biktima para sa pre-order. Ayon kay Anthony Garcia, nagbigay siya ng ₱366,000 habang si Angelica Ambos naman ay nagbayad ng ₱106,000 bilang downpayment para sa kanilang mga vape product shipments. Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na produkto o refund, at hindi na rin nila ma-contact ang dalawa.
Ayon sa mga biktima, hindi pa sila nagsasampa ng kaso dahil umasa silang maibabalik pa ang kanilang pera. Dahil dito, agad na tinawagan ni Sen. Raffy Tulfo si Atty. Marcus Valdez mula sa Department of Trade and Industry (DTI) upang alamin ang legalidad ng operasyon ng Apex.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Lumabas sa imbestigasyon na bagamat rehistrado sa SEC ang Apex Pacific Corp., wala itong Philippine Standard (PS) License upang magbenta sa merkado. Bukod dito, hindi rin sertipikado ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang vape products, na maituturing na panganib sa kalusugan.
Dahil sa nadiskubreng impormasyon, kinuwestiyon ni Sen. Tulfo ang FDA, Bureau of Internal Revenue (BIR), Customs, at DTI kung may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng ilang opisyal upang paboran lamang ang piling vape brands na maaaring may koneksyon sa kanila o nagbibigay ng malaking kita sa mga tiwaling kawani.
Dahil dito, maghahain ng privilege speech si Sen. Tulfo upang hilingin ang agarang Senate hearing sa isyung ito. Layunin ng imbestigasyon na mapanagot hindi lamang ang mga incorporators ng Apex Pacific Corp. kundi pati na rin ang mga opisyal ng mga ahensyang maaaring sangkot sa umano'y katiwalian sa industriya ng vape distribution.
Bilang bahagi ng aksyon, inatasan din ni Sen. Tulfo si Atty. Valdez na magsumite ng listahan ng lahat ng vape brands at companies na kanilang naaprubahan at tinanggihan, na agad namang sinang-ayunan ng opisyal ng DTI.
Sa pagdami ng gumagamit ng social media, unti-unting naiba ang libangan ng karamihan. Kung noon ay pagiging artista ang daan upang sumikat, mas marami ang nabibigyan ng pagkakataon dahil sa social media.
Marami sa mga social media personalities ang sumikat sa kanilang mga ginagawang YouTube videos. Sa katunayan, ilan sa mga sikat na artista sa telebisyon ay pinasok na rin ang paggawa ng videos. Kabilang sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Ivana Alawi sa mga artistang may maraming subscribers sa YouTube channel nila sa kasalukuyan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh