Darryl Yap, muling nagpasalamat: “I have been allowed to release the whole movie"

Darryl Yap, muling nagpasalamat: “I have been allowed to release the whole movie"

  • Nagpasalamat si Direk Darryl Yap sa husgado matapos maprotektahan ang kanyang karapatan sa artistic expression at ang karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan
  • Pahihintulutan na ang pagpapalabas ng buong pelikula ni Yap habang ipinatigil ang kontrobersyal na teaser nito
  • Inihayag ni Yap na ang pelikula ay kasalukuyang nire-review ng MTRCB bago ito maipalabas
  • Nanatiling positibo si Yap at hinikayat ang publiko na suportahan at unawain ang mensahe ng pelikula

Nagpasalamat si Direk Darryl Yap sa husgado matapos maprotektahan ang kanyang karapatan sa artistic expression at ang karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan kaugnay ng kanyang pelikula. Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Yap ang kanyang pasasalamat at kasiyahan matapos pahintulutan ng korte na maipalabas ang buong pelikula, kahit na ipinatigil ang kontrobersyal na teaser nito.

Darryl Yap, muling nagpasalamat: “I have been allowed to release the whole movie"
Darryl Yap, muling nagpasalamat: “I have been allowed to release the whole movie" (PHOTO: Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Yap, ang teaser ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang pelikula at hindi dapat magdulot ng panghuhusga. “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth,” ani niya sa kanyang post. Dagdag pa niya, ang pelikula ay kasalukuyan nang nire-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Read also

Darryl Yap, sinabi raw sa korte na hindi totoong ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma

“I have been allowed to release the whole movie. For that, I am deeply humbled and profoundly blessed,” ani pa ni Yap. Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta sa kanyang obra at hinikayat ang publiko na panoorin at unawain ang mensahe ng pelikula.

Sa kabila ng kontrobersiya, nanatiling positibo si Yap at determinado sa paghatid ng kanyang sining sa mas maraming tao.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo"

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate