Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo"

Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo"

  • Nag-post si Direktor Darryl Yap sa Facebook tungkol sa mga tumutuligsa sa kanyang pelikulang "TROPP" na ipalalabas sa 2025
  • Sinabi niyang hindi sinasadyang pinatitibay ng mga kritiko ang isyung ikukwento sa pelikula sa halip na ito’y pasinungalingan
  • Nag-viral ang post na may mga hashtag na #TROPP, #TROPP2025, at #PEPSIPALOMA na nag-udyok ng diskusyon sa social media
  • Ang "TROPP" ay hango sa kwento ni Pepsi Paloma at layong talakayin ang kontrobersiya at hustisya sa kasaysayan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang kontrobersyal na post sa Facebook, muling nagpaandar ang direktor na si Darryl Yap laban sa mga tumutuligsa sa kanyang pelikulang "TROPP," na inaasahang ipalalabas ngayong 2025.

Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo"
Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo" (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

“It's funny. Akala ng mga taong ito, pinasisinungalingan nila ang papalabas na pelikula, without them knowing na yun nga ang ikukwento. Paglabas ng pelikula, marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo,” ani Yap sa kanyang post, na agad nag-viral.

Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo"
Darryl Yap: "Marerealize nilang sila ang nagpatibay sa kung ano ang totoo" (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inilarawan ng direktor ang tila hindi sinasadyang kontribusyon ng kanyang mga kritiko sa pagtibay ng mga isyung tatalakayin sa kanyang pelikula. Nilagyan pa niya ng hashtag ang post, kabilang ang #TROPP, #TROPP2025, at #PEPSIPALOMA, na nag-udyok ng mas marami pang diskusyon sa social media.

Read also

Pauleen Luna, napahagulgol daw sa witness stand ayon kay Cristy Fermin

Ang TROPP, na sinasabing hahango sa masalimuot na kwento ni Pepsi Paloma at mga kontrobersiyang bumalot dito, ay isa na namang matapang na proyekto ni Yap na inaasahang magpapasimula ng mga debate tungkol sa kasaysayan at hustisya.

Sa kabila ng mga batikos, tila determinado si Yap na ipagpatuloy ang kanyang proyekto, anuman ang mga pag-aalinlangan at pagtutol na ibinabato laban dito.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

Grab Driver, nanawagan ng respeto sa nag-post ng reklamo laban sa kanya

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate