Pamangkin ni Charito Solis, nagsalita tungkol sa pagkakakaladkad ng pangalan ng tita niya
- Nakapanayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel ang pamangkin ng yumaong batikang aktres na si Charito Solis
- Dito ay natanong sa kanya ang opinyon niya kaugnay sa pagkakasama ng kanyang tita sa pelikulang ginawa ni Darryl Yap tungkol sa buhay ni Pepsi Paloma
- Binahagi ni Jennie kung gaano kalapit ang kanyang tita sa kanya at hindi umano nito nakukwento ang tungkol kay Pepsi Paloma kaya hindi siya naniniwalang malapit sila
- Hindi din daw siya naniniwala na si Charito mismo ang nag-claim ng bangkay ni Pepsi dahil base sa pagkakakilala daw niya sa kanyang tita ay hindi niya ito gagawin maliban kung pamilya niya ang nangailangan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang eksklusibong panayam sa YouTube channel ni Julius Babao, nagsalita si Jennie, pamangkin ng yumaong batikang aktres na si Charito Solis, kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan ng kanyang tita sa kontrobersiyal na pelikula ni Darryl Yap tungkol sa buhay ni Pepsi Paloma.
Ayon kay Jennie, malapit siya sa kanyang tita at batid niyang hindi kailanman naging usap-usapan sa kanilang pamilya ang tungkol kay Pepsi Paloma. Hindi daw nabanggit ng Tita niya si Pepsi Paloma. Kung close sila ay malamang naikuwento raw niya iyon sa kanila.
Mariin ding pinabulaanan ni Jennie ang isyung si Charito mismo ang nag-claim ng bangkay ni Pepsi Paloma matapos ang trahedya.
Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Jennie ang malapit na ugnayan nina Charito at Vic Sotto, na nakasama ng aktres sa sikat na seryeng Okay Ka, Fairy Ko!. Ayon kay Jennie, malapit ang tita niya kay Vic at kung meron man siyang nalaman na hindi maganda na ginawa kay Pepsi, sigurado siyang hindi niya iyon palalampasin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa huli, iginiit ni Jennie na kailangang bigyan ng respeto ang alaala ng kanyang tita at iwasang idawit ito sa mga isyung walang matibay na basehan.
Si Charito Solis ay isa sa mga pinakatanyag at batikang aktres sa kasaysayan ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga pinakamahusay na aktres ng kanyang panahon dahil sa kanyang natatanging husay sa pag-arte at mga makapangyarihang pagganap sa iba't ibang pelikula at serye.
Matatandaang nagsampa ng reklamo ang "Eat Bulaga" host-comedian na si Vic Sotto laban sa direktor na si Darryl Yap kaugnay ng pelikula nito tungkol umano kay Pepsi Paloma.
Usap-usapan ang isang post ng direktor na si Darryl kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang "Charito Solis" sa buhay ng bawat isa. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang hindi gaanong kilalang kuwento ng pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma, na aniya’y higit pa sa ugnayan ng magkapwa-artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh