Jewel Mische, nasa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya: "Parang ayaw ko na bumalik ng America!"

Jewel Mische, nasa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya: "Parang ayaw ko na bumalik ng America!"

  • Ibinunyag ni Jewel Mische na nasa Pilipinas ang kanilang pamilya simula noong Oktubre para sa ministry opportunities
  • Kasama niya ang asawang Amerikano na si Alister Kurzer at kanilang tatlong anak na babae sa biyahe papuntang Davao
  • Na-enjoy ng kanilang pamilya ang pagmamahal, espirituwal na biyaya, at masasarap na pagkaing Pilipino
  • Nais ni Mische na makipagkita sa mga kaibigan sa Luzon bago sila bumalik sa Estados Unidos sa loob ng ilang linggo

Inihayag ng dating aktres na si Jewel Mische na lumipad sila ng kanyang pamilya mula Estados Unidos patungong Pilipinas noong Oktubre at kasalukuyan silang nananatili sa bansa para sa mga ministry opportunities.

Jewel Mische, nasa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya: "Parang ayaw ko na bumalik ng America!"
Jewel Mische, nasa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya: "Parang ayaw ko na bumalik ng America!" (@mischejewel /Instagram)
Source: Instagram

Sa Instagram post noong Lunes, Enero 20, ibinahagi ni Mische ang litrato nila ng kanyang asawang si Alister Kurzer at ng kanilang tatlong anak habang nasa biyahe papuntang Davao.

“Our family has been keeping a little secret! We are in the Philippines!” ani Mische. “We have some ministry opportunities here that we just couldn’t pass up.”

Read also

Andrea Brillantes, nawindang matapos niyang makatanggap ng motel suki card

Ayon kay Mische, labis silang nabusog sa pagmamahal, mga espirituwal na biyaya, at masasarap na pagkaing Pilipino. Biniro pa niya na parang ayaw na niyang bumalik sa Estados Unidos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin ni Mische ang kanyang pananabik na makita ang mga kaibigan mula sa Luzon bago ang kanilang nakatakdang pagbabalik sa loob ng ilang linggo.

“Hindi pa lang po ako makapag-reach out dahil sa mga commitments namin dito simula pa pag dating namin, saka nahihiya din po ako doon sa iba sa inyo. Pero sana mangyari pa din before we head back [to the US] in a few weeks!” sabi niya.

Si Mische at si Kurzer ay ikinasal noong 2015. Nagkaroon sila ng kanilang unang anak noong 2018, ang pangalawa noong 2020, at ang kanilang bunsong anak noong 2021.

Si Jewel Mische ay isang Pilipinang aktres at modelo na unang nakilala sa kanyang pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Nagsimula siya sa industriya ng showbiz noong early 2000s at nakilala sa kanyang mga roles sa mga palabas tulad ng "Rosalinda" at "Kung Tayo'y Magkakalayo." Naging bahagi din siya ng ilang pelikula at TV shows na nagpatibay sa kanyang popularidad.

Read also

Ama ni Paul Salas, aminadong nagkaroon siya ng sama ng loob sa dating kasintahan ng anak

Taong 2021 nang ibahagi ni Jewel ang pagbubuntis niya sa pangatlong anak nila ng kanyang mister. Naibahagi niya rin sa social media nang nanganak siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate