Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu

Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu

Ibinida ni Ogie Alcasid ang purple running shoes na natanggap niya mula kay Kim Chiu bilang Christmas gift

Inamin ni Ogie na mabait si Kim at mahilig itong magregalo sa kanilang mga kasamahan sa It’s Showtime

Sinuot ni Ogie ang sapatos habang nag-walking sila ng kanyang asawang si Regine Velasquez

Pinarangalan si Ogie bilang KDR Icon of Musical Excellence sa Wish Music Awards noong Linggo

Hindi na bago ang pagiging galante ni Kim Chiu, lalo na sa mga kasamahan niya sa noontime show na It’s Showtime. Marami na ang nagbahagi ng kwento tungkol sa kanyang hilig magregalo, at kamakailan lang ay ibinida ni Ogie Alcasid ang natanggap niyang purple running shoes mula kay Kim.

Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu
Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu (@ogiealcasid, @chinitaprincess/Instagram)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Instagram post ni Ogie, makikita ang larawan ng sapatos at ang kanyang pasasalamat kay Kim, kalakip ang caption na, “Thank you @chinitaprincess for this!!!” na may tatlong red heart emojis.

Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu
Ogie Alcasid, ibinida ang bonggang regalo ni Kim Chiu (@ogiealcasid/Instagram)
Source: Instagram

Sa panayam kay Ogie, ikinuwento niyang ang nasabing running shoes ay Christmas gift pa ni Kim noong nakaraang taon. “Actually regalo ni Kim ‘yung shoes noong Pasko pa. Plus may damit pa ‘yon na kasama. Sinuot ko kanina kasi nag-walking kami ni Regine,” ani Ogie. Dagdag pa niya, tunay na mabait si Kim sa lahat ng kanilang mga kasamahan.

Read also

Neil Arce kay Barbie Imperial matapos mapanood ang panayam kay Richard Gutierrez: "Chardgel pa rin"

Samantala, nagkaroon din ng sariling spotlight si Ogie matapos siyang parangalan bilang KDR Icon of Musical Excellence sa Wish Music Awards noong Linggo. Sa kanyang pahayag, ibinahagi ni Ogie ang kanyang labis na pasasalamat sa natanggap na karangalan.

Patuloy na hinahangaan si Kim at Ogie hindi lamang sa kanilang talento kundi pati na rin sa kanilang kabutihan at pagiging inspirasyon sa industriya.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Tyang, pinaulanan ng gifts ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith habang nasa TikTok Live

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate