Rosanna Roces, pinahanap ang viral security guard para matulungan
- Nanawagan si Rosanna Roces na tulungan ang guwardiya na nawalan ng trabaho matapos ang viral na insidente sa mall
- Nagsimula ang insidente nang sitahin ng guwardiya ang isang estudyanteng nagtitinda ng Sampaguita na nauwi sa pananakit
- Ayon sa Mandaluyong Police, ang estudyante ay isang iskolar na nagtitinda para makatulong sa gastusin ng pamilya
- Humingi ng paumanhin ang security agency ng guwardiya at nangakong iniimbestigahan ang insidente
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nanawagan si Rosanna Roces, isa sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo, na tulungan ang security guard na nawalan ng trabaho matapos masangkot sa viral na insidente ng umano'y pananakit sa isang estudyanteng nagtitinda ng Sampaguita.
Sa kanyang Facebook post ngayong tanghali, sinabi ni Roces, “TULUNGAN natin si Guard… kawawa may pamilya yan.” Hiniling din niya kay Morly Alinio, isang host ng DZRH radio, na hanapin ang guwardiya upang mabigyan ito ng suporta.
Ang insidente ay nag-ugat matapos mapanood sa viral na video ang 18-anyos na estudyante na sinita ng guwardiya habang nakaupo sa hagdanan ng isang kilalang mall. Bagamat umalis na sana ang bata, sinira ng guwardiya ang panindang Sampaguita nito. Gumanti ang estudyante sa pamamagitan ng paghampas ng bulaklak, dahilan para sipain siya ng guwardiya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa Mandaluyong Police, ang estudyante ay isang iskolar at nagtitinda ng Sampaguita upang makatulong sa gastusin ng pamilya. Samantala, humingi ng paumanhin ang security agency na REDEYE II MANAGEMENT, na nagsabing sumasailalim na sa due process ang guwardiyang sangkot sa insidente.
Iginiit ni Roces na dapat tulungan ang guwardiya dahil isa itong lehitimong manggagawa na marahil ay nasa ilalim ng matinding emosyon nang mangyari ang insidente. Aniya, “Magiging precedent ‘yan. Babastusin na lahat ng guard na ginagawa lang ang trabaho nila.”
Nagpahayag rin ang aktres ng pagsuporta sa guwardiya at ng pagtutol sa anumang uri ng panlilinlang, kasabay ng panawagan para sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga ganitong sitwasyon.
Matatandaang lumikha ng ingay ang video ng binansagang 'Sampaguita girl' matapos siyang paalisin ng security guard sa harap ng isang mall.
Matatandaang agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang SM Megamall matapos na umani ng kabi-kabilang reaksyon ang viral video kung saan makikita ang umano'y pagpapalayas ng isang security guard sa batang babae na 'di umano'y naglalako ng Sampaguita.
Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh