Richard Gutierrez, nagsalita na ukol sa kanila ni Barbie Imperial
- Nagsalita na si Richard Gutierrez ukol sa maugong na relasyon 'di umano nila ni Barbie Imperial
- Nagawa rin niyang ipagtanggol ang aktres na matatandaang inakusahan na siyang dahilan ng hiwalayan nina Richard at Sarah Labahti
- Inamin din ni Richard kung paano sila nagsimulang magkasama ni Barbie
- Kasalukuyang abala si Richard sa pag-promote ng bago nilang serye na Incognito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Richard Gutierrez ukol sa matagal nang maugong na 'di umano'y relasyon niya kay Barbie Imperial.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nagdetalye si Richard kung ano ang nagustuhan niya kay Barbie kung kung ano ang estado nila ngayon.Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nagdetalye si Richard kung ano ang nagustuhan niya kay Barbie kung kung ano ang estado nila ngayon.
"'Dun muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie. Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao, si Barbie walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi siya nag-overlap," ani Richard.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw din niyang hindi third party si Barbie gayung matagal na sila umanong hiwalay ni Sarah nang pumasok si Barbie sa kanyang buhay.
"Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah .Si Barbie kasi totoong tao. What you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga. Nakikita mo na genuine 'yung intentions niya. Genuine 'yung pagkatao niya."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube:
Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.
Kinumpirma ni Sarah na single na siya maging ang asawa nitong si Richard. Ito ay matapos ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyung hiwalay na sila. Magsalita man sa mga panayam ay naging matipid ang mga pahayag nila ni Richard simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Samantala, abala ngayon si Richard sa pag-promote ng kanilang bagong serye na "Incognito" kung saan makakasama niya ang ilan sa mga mahuhusay na artista ng kanilang henerasyon tulad nina Baron Geisler, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh