LVNA by Drake Dustin, naglabas ng pahayag hinggil sa pag-alis ni Ivana Alawi
- Naglabas ng pahayag ang LVNA by Drake Dustin kaugnay ng desisyon ni Ivana Alawi na umalis bilang endorser at business partner ng Cebu branch
- Kinumpirma ni Drake Dustin Ibay na matagal na nilang napagkasunduan ang pagtatapos ng kanilang partnership ngunit patuloy pa rin ang pag-uusap sa mga pinal na kasunduan
- Nagpasalamat ang LVNA kay Ivana para sa naging malaking kontribusyon nito sa paglago ng kanilang brand at para sa mga sandaling kanilang pinagsamahan
- Nanatiling positibo ang pahayag ng LVNA at inihayag na mananatili si Ivana bilang mahalagang bahagi ng kanilang kwento at tagumpay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng opisyal na pahayag ang luxury jewelry brand na LVNA by Drake Dustin ukol sa desisyon ni Ivana Alawi na magpaalam bilang endorser at business partner ng kanilang Cebu branch. Ayon kay Drake Dustin Ibay, founder ng LVNA, malaki ang naging kontribusyon ni Ivana sa paglago ng kanilang brand.
“It saddens us to bid farewell to Ivana, who has been an integral part of our journey and played a significant role in our growth as a brand. We deeply respect her decision to move forward in a way that aligns with her path as an artist,” saad ni Drake Dustin.
Isiniwalat din niya na matagal nang napagkasunduan nina Ivana na wakasan ang kanilang partnership, ngunit patuloy pa rin ang pag-uusap tungkol sa mga pinal na desisyon at kasunduan. “The final decisions and terms of the separation are still being discussed as we work toward a resolution that honors both parties,” dagdag niya.
Nagpasalamat si Drake Dustin kay Ivana para sa mga sandaling kanilang pinagsamahan at sa mga kontribusyon nito sa LVNA. Binanggit din niya na mananatili itong espesyal sa kanilang puso. “Ivana will always hold a special place in our hearts, and we will cherish the bond we’ve built over the years,” pagtatapos niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Patuloy na inaabangan ng publiko ang mga susunod na hakbang ng parehong panig sa kani-kanilang mga karera.
Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.
Matatandaang kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo at asawa niyang si Hayden Kho sa vlog kung saan naging magulang sila nina Mona at Ivana habang naglilibot sa Italy. Sa simula ng vlog ay makikita ang mag-asawa at sinabi ni Dra.
Nagbahagi si Ivana ng mensahe matapos ang kanyang pagganap bilang 'Bubbles' sa "Batang Quiapo". Inalala niya ang kanyang pag-aalinlangan noong una siyang inalok ng papel ngunit tinanggap ito dahil sa tiwala sa ABS-CBN at Direk Coco.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh