Darryl Yap, binago ang title ng kanyang pelikula sa PH cinema

Darryl Yap, binago ang title ng kanyang pelikula sa PH cinema

  • Binago ni Darryl Yap ang titulo ng kanyang pelikula para sa Philippine cinemas bilang "Pepsi Paloma" mula sa orihinal na title nito
  • Nagsampa si Vic Sotto ng 19 counts ng cyber libel laban kay Yap dahil sa trailer ng pelikula kung saan nabanggit ang kanyang pangalan
  • Humihingi si Sotto ng P35 milyong danyos at naghain ng writ of habeas data laban kay Yap na didinggin sa Enero 15
  • Pinabulaanan ni Yap ang haka-hakang sinuportahan siya nina Imee Marcos, Jalosjos, at Discaya para sa pelikula

Inanunsyo ng direktor na si Darryl Yap ang pagbabago sa titulo ng kanyang kontrobersyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma para sa pagpapalabas nito sa Pilipinas.

Darryl Yap, binago ang title ng kanyang pelikula sa PH cinema
Darryl Yap, binago ang title ng kanyang pelikula sa PH cinema (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Yap ang opisyal na poster ng pelikula, na may titulong “Pepsi Paloma” para sa Philippine cinemas. Samantala, gagamitin naman ang orihinal nitong titulo bilang international title. Sinamahan niya ito ng caption na: “Ang Balita. Ang Intriga. Ang Kontrobersya. Ang Hubad na Katotohanan. The Official Poster of #TROPP #TROPP2025.

Read also

Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap

Matatandaang noong Enero 9, nagsampa si TV host at aktor na si Vic Sotto ng 19 counts ng cyber libel laban kay Yap kaugnay ng trailer ng pelikula, kung saan nabanggit ang kanyang pangalan. Isinampa ang reklamo sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office, kung saan humihingi si Sotto ng P35 milyong danyos—P20 milyon para sa moral damages at P15 milyon para sa exemplary damages.

Bukod dito, naghain din si Sotto ng writ of habeas data laban kay Yap, na didinggin sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 sa Enero 15.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isa pang post, nilinaw ni Yap ang mga haka-haka ng netizens tungkol sa diumano’y mga personalidad na sumuporta sa kanyang pelikula. Pinabulaanan niya ang anumang suporta mula kina Imee Marcos, Jalosjos, at Discaya, ayon sa kanyang pahayag.

Patuloy ang kontrobersya sa pelikulang ito habang hinihintay ang opisyal na pagpapalabas at ang mga legal na hakbang na kaugnay nito.

Read also

Vic Sotto, umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: