Vic Sotto, umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan

Vic Sotto, umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan

  • Nagsampa si Vic Sotto ng 19 kaso ng cyber libel laban kay Darryl Yap sa Muntinlupa RTC Branch 205
  • Ayon sa abogado ni Sotto, ang kaso ay bunsod ng mapanirang teaser video na nagdulot ng pagbabanta sa kanyang pamilya
  • Binanggit sa video ang pangalan ni Vic Sotto na nagdulot umano ng pinsala sa kanyang reputasyon
  • Binigyan ng limang araw si Yap upang magpaliwanag at ipinag-utos ng korte ang pagtigil sa pagpapakalat ng teaser video

Nagsampa si Vic Sotto ng 19 na kaso ng cyber libel laban sa direktor na si Darryl Yap noong Enero 9 sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205. Ayon sa legal counsel ni Sotto na si Atty. Buko Dela Cruz, ang desisyon ay dulot ng mapanirang teaser video na nagdulot ng masamang epekto sa kanyang pamilya, lalo na sa anak niyang si Talitha Maria Luna Sotto.

Vic Sotto umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan
Vic Sotto umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan (@pauleenlunasotto | Instagram, Darryl Yap | Facebook)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Atty. Dela Cruz sa programang "Cristy Ferminute" na si Sotto ay sanay na sa mga kontrobersiya ngunit hindi niya mapapalampas ang pagdawit sa kanyang pamilya.

Read also

Rufa Mae Quinto, emosyonal nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga taga suporta

"’Yung bata (Tali) binu-bully sa eskwelahan”

Dagdag pa rito, nakakatanggap umano ang pamilya ni Sotto ng mga pagbabanta, kabilang ang pananakot sa kanilang kaligtasan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Ang sabi po niya ay sanay na siya sa mga ganitong pakulo. Mga pakulo ito sa paglalayon na magbenta ang pelikula o programa (ay) normal ito.
“Kaya lang ang sabi niya (Vic) ang hindi niya matatanggap at kailangan na niyang palagan at umaksyon ay ‘yung kanyang asawa o pamilya ay nadadamay na.

Nilinaw din ng abogado na ang kaso ay nakasentro sa mapanirang teaser video, kung saan malinaw na binanggit ang pangalan ni Vic Sotto. Paliwanag niya, hindi mahalaga ang sinasabing magandang layunin ng video kung ito naman ay nagdudulot ng pinsala sa reputasyon ng isang tao.

Binigyan ng limang araw ang kampo ni Yap upang magpaliwanag kaugnay ng kaso. Samantala, naglabas na rin ng writ of habeas data ang korte upang pigilan ang anumang pagkakalat ng impormasyon na maaaring makasira sa privacy ng pamilya Sotto.

Read also

Darryl Yap, may pahayag matapos ang reklamo ni Vic Sotto: "Pepsi— babalik tayo sa korte"

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate