Rufa Mae Quinto, biktima ng false cccusations yyon sa kanyang legal counsel

Rufa Mae Quinto, biktima ng false cccusations yyon sa kanyang legal counsel

  • Boluntaryong sumuko si Rufa Mae Quinto sa NBI kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa Dermacare
  • Ayon sa kanyang abogado, biktima si Quinto ng maling akusasyon at mayroon ding utang sa kanya ang naturang skincare company
  • Pansamantalang hindi nakapagpiyansa si Quinto dahil sarado ang korte ngunit ipoproseso ito kinabukasan
  • Naka-schedule ang arraignment at pre-trial hearing para sa kanilang motion for reinvestigation bukas, Enero 9

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nanindigan ang kampo ni Rufa Mae Quinto na biktima ng maling akusasyon ang aktres at komedyante matapos ang kanyang boluntaryong pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules.

Rufa Mae Quinto, biktima ng false cccusations yyon sa kanyang legal counsel
Rufa Mae Quinto, biktima ng false cccusations yyon sa kanyang legal counsel (ABS-CBN News/Facebook & @rufamaequinto/Instagram)
Source: Instagram

Ayon kay Atty. Mary Louise Reyes, legal counsel ni Quinto, may utang pa umano ang skincare company na kanyang inendorso. “My client is a victim kasi nga siya rin po mismo, hindi siya nabayaran pa which is aasikasuhin ko rin after this case. Focus muna kami, one step at a time,” paliwanag ni Reyes.

Read also

Rufa Mae Quinto, nanatiling masayahin sa gitna ng pinagdadaanan: "Yes, I surrender myself"

Kinasuhan si Quinto ng 14 na bilang ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code, kaugnay ng mga reklamo ng mga investor laban sa Dermacare, isang skincare company. Ang bawat kaso ay may piyansang ₱126,000, na may kabuuang halagang ₱1.7 milyon.

Mas maaga noong araw, nagtungo si Quinto at ang kanyang mga abogado sa Pasay Regional Trial Court Branch 111 upang ayusin ang piyansa, ngunit sarado na raw ang korte. “Unfortunately kasi nasaraduhan na kami. So first thing tomorrow morning, matatapos namin 'yan,” pahayag ni Reyes.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dinala si Quinto pabalik sa NBI ngayong hapon para sa medical check-up matapos magreklamo ng pananakit ng ulo. “Sumama ‘yung pakiramdam niya. This morning, panay siya suka. Siguro I don’t know if it’s jet lag, or syempre kahit alam mong inosente ka, pagdadaanan mo ‘yung ganitong sitwasyon,” dagdag ng kanyang abogado.

Nakatakda ang arraignment at pre-trial hearing para sa very urgent motion for reinvestigation na isinampa ng kampo ni Quinto bukas, Huwebes, Enero 9.

Read also

Vic Sotto, magsasampa ng reklamo laban kay Darryl Yap kaugnay ng kontrobersyal na pelikula

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate