Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino

Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino

  • Nagbigay si Kim Chiu ng pasilip sa kanyang Dubai vlog kasama si Paulo Avelino na nilabas niya sa YouTube
  • Maraming fans ang kinilig sa mga clip tulad ng pagja-jogging nila at pagme-makeup ni Kim kay Paulo
  • Nagkomento ang fans na tila mahihimatay sila sa kilig sa mga sweet moments nila Kim at Paulo
  • Nagbahagi rin si Kim ng malalim na mensahe tungkol sa buhay habang binahagi ang kanyang sky dive experience

Marami ang kinilig lalo na ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino na kilala din bilang KimPau. Binahagi ni Kim ang kanilang ganap sa Dubai kung saan kabilang sila ni Paulo sa nag-perform.

Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino
Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino (Kim Chiu PH | YouTube)
Source: Youtube

Sa vloog ay makikitang mismong si Kim ang nag-make up kau Paulo at tila komportable naman ito sa kanya. Nag-jogging din sila at nag-shopping. Pinasalamatan ni Kim si Paolo sa panlilibre nito ng shades.

Ang kanilang Dubai trip ay nagpakita ng kakaibang chemistry ng dalawa, dahilan upang lalo pang mag-abang ang fans. Tila hindi lang simpleng travel vlog ang inihanda ni Kim kundi isang video na punong-puno ng kilig at masasayang sandali.

Read also

Herlene Budol, pinakita ang pagiging competitive sa kanilang larong paper dance

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naito ang ilang komento:

Ang cute, ang saya 😍 Right after watching the premier, inulit ko panoorin agad.. and both times, I was smiling the entire time.
Kim you are both vibrating with happiness and positivity that it radiates to the people that watch you. Grabe yung chemistry, can't wait for the movie.
Grabe my KimPau heart!!! 😭💗 thank you for this vlog, kimmy! ang saya saya na naman ng puso ko, more videos with pau sana soon pls

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate