Chito Miranda, ibinida ang picture nila ni Neri sa kanyang pagbati para sa Bagong Taon
- Bumangon mula sa kontrobersiya si Neri Miranda matapos makalaya sa Pasig City Jail Female Dormitory dahil sa piyansang mahigit P1.7 milyon
- Ipinakita ng asawang si Chito Miranda ang positibong awra ni Neri sa kanyang New Year Instagram post na may mensahe ng pasasalamat
- Binati ng mga kaibigan at fans ang mag-asawa at nagpakita ng suporta sa kanilang pagsusumikap na malampasan ang pagsubok
- Patuloy na umaasa ang publiko na tuluyang makakabangon si Neri mula sa mga hamon at muling magiging aktibo sa social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Unti-unti nang bumabangon mula sa matinding kontrobersiya ang actress-businesswoman na si Neri Miranda matapos masangkot sa umano’y investment scam. Sa kabila ng hirap na pinagdaanan, nananatiling matatag si Neri, ayon sa latest post ng kanyang asawang si Chito Miranda.
Noong nakaraang buwan, pansamantalang nakalaya si Neri mula sa Pasig City Jail Female Dormitory matapos magpiyansa ng mahigit P1.7 milyon. Siya ay kinasuhan ng estafa, syndicated estafa, at 14 na paglabag sa Securities Regulation Code (SRC).
Kahapon, January 1, 2025, nagbahagi si Chito ng kanilang larawan sa Instagram, kalakip ang kanyang mensahe para sa Bagong Taon. “Happy New Year!!! Nothing but gratitude. May we ALL have a wonderful 2025,” ani Chito sa caption.
Makikita sa larawan ang masayang awra ni Neri, na tila nakikita na ng mga netizens bilang senyales ng kanyang unti-unting pagbangon mula sa pagsubok. Ilang celebrities tulad nina Kaye Abad at Bubbles Paraiso ang nagpaabot ng pagbati sa mag-asawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ilang netizens, hindi biro ang pinagdaanan ni Neri, lalo na’t ilang araw din siyang nakulong matapos ang kanyang pagkakaaresto noong November 23, 2024, sa Pasay City. Ngunit makikita raw sa post ni Chito ang pagmamahal at suporta ng pamilya sa kanya.
Noong Disyembre 24, nagbahagi rin si Chito ng family photo bilang bahagi ng kanilang Christmas message. Ani niya, “Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us. Sobrang ramdam namin yung pagmamahal Mo sa amin through the people You have chosen to surround us with.”
Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.
Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh