Carlo Aquino sa misis na si Charlie: "Minahal niya ko, despite of everything na pinagdaanan ko"
- Madamdamin ang naging pahayag ni Carlo Aquino para sa kanyang misis na si Charlie Dizon
- Ito ay matapos kumustahin ng BRGY host na si Bianca Gonzalez ang buhay may asawa ni Carlo
- Ayon pa sa aktor, labis niyang na-appreciate ang misis na nagtiwala at nagmahal sa kanya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan
- Sina Carlo at Charlie ay ikinasal noon Hunyo 9 ng kasalukuyang taon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Puno ng emosyon ang naging pahayag ni Carlo Aquino ukol sa kanyang misis na si Charlie Dizon.
Ito ay matapos mausisa ni Bianca Gonzalez si Carlo ukol sa buhay may asawa nito nang maging panauhin niya ang aktor sa talk show siyang BRGY.Ito ay matapos mausisa ni Bianca Gonzalez si Carlo ukol sa buhay may asawa nito nang maging panauhin niya ang aktor sa talk show siyang BRGY.
Ayon kay Carlo, isang malaking blessing sa kanya ang pagkakaroon ng taong tapat sa kanya, na hindi siya iniwan kahit pa sa kabila ng mga pagsubok na hinarap nila bilang mag-partner.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Sobrang iba... Iba yung alam mong kahit anong mangyari, meron ka nang kasama. Kasi yung kids, mawawala. Yung siblings, magkakaroon ng sari-sariling buhay, pero ito yung forever partner mo na makakasama mo sa hirap talaga at sa ginhawa,"
Binanggit ni Carlo na malaki ang pasasalamat niya kay "April", tunay na pangalan ni Charlie dahil sa tiwala at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya, lalo na't sa kabila ng mga kontrobersiyang hinarap ng kanilang relasyon.
"Sobrang na-appreciate ko si April na nagtiwala siya sakin, na minahal niya ko, despite of everything na pinagdaanan ko… na sinabi ng mga tao. Sobrang blessing sakin,"
Hunyo 9 ng papatapos na taong 2024 nang ikasal sina Carlo at Charlie.
Samantala, narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Bianca at Carlo mula sa TFC The Filipino Channel YouTube:
Si Carlo Jose Liwanag Aquino o mas kilala bilang si Carlo Aquino ay isang aktor at musician sa Pilipinas. Unang nakilala niya ang husay sa pag-arte sa pelikulang Bata, Bata… Pa'no Ka Ginawa? kung saan nakasama niya ang Star for all seasons na si Vilma Santos. Isa sa mga pinakahuling naging proyekto ni carlo ang pelikulang "Third World Romance" kung saan kasama niya ang naging nobya at ngayo'y misis na niya na si Charlie Dizon.
Minsan nang naging emosyonal sina Carlo at Charlie sa programang Magandang Buhay nang mapag-usapan nila ang kanilang relasyon. Paliwanag ng aktor, ramdam niyang mahal siya talaga ni Charlie at hindi pa raw umano siya na-in love nang tulad ng nararamdaman niya sa aktres. Samantala, nilarawan naman ni Charlie na 'biggest surprise' ang relasyon nila na ito ni Carlo na aminado siyang pinipigilan pa niya noon.
Samantala, isang araw bago ang kanyang pag-iisang dibdib kay Carlo, nakamit ni Charlie ang best actress award mula sa 47th Gawad Urian. Ito ay para sa pelikulang pinagsamahan nila ng kanya na ngayong mister na si Carlo, ang 'Third World Romance.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh