Riva Quenery at Vern Ong, hiwalay na matapos ang limang taon

Riva Quenery at Vern Ong, hiwalay na matapos ang limang taon

  • Naghiwalay sina Riva Quenery at Vern Ong matapos ang limang taong relasyon ayon sa kanilang pahayag sa Instagram
  • Inamin nilang ilang buwan na silang hiwalay ngunit patuloy silang magkasamang magulang sa kanilang anak na si Athena
  • Nilinaw nilang walang third party na dahilan ng kanilang hiwalayan at nananatili silang magkaibigan
  • Nagpasalamat sila sa suporta ng kanilang mga tagahanga at nangakong patuloy na susuportahan ang kanilang anak

Kinumpirma ng actress-vlogger na si Riva Quenery at ng kanyang long-time boyfriend na si Vern Ong ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang joint statement na inilabas sa Instagram nitong Lunes.

Riva Quenery at Vern Ong, hiwalay na matapos ang limang taon
Riva Quenery at Vern Ong, hiwalay na matapos ang limang taon
Source: Instagram

Ayon sa kanila, ilang buwan na silang hiwalay ngunit nananatili silang magkaibigan at magkasamang magulang sa kanilang anak na si Athena. Sinabi nilang, "There are no goodbyes, because at the end of the day, we will always be Athena's parents and we will continue to love and support her."

Nilinaw din nila na walang third party na dahilan ng kanilang hiwalayan. "We've never had any third party issues, so we'd appreciate it if those spreading false info could just stop," pahayag ng dalawa.

Read also

Flight Attendant na nakaligtas sa Jeju Air Crash: “What happened? Why am I here?”

Sa Instagram Stories, nagpasalamat si Quenery kay Ong para sa kanilang limang taong relasyon at tinawag itong isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Nagpahayag din si Ong ng pasasalamat kay Quenery, sabay pangakong magiging mabuting ama kay Athena sa kabila ng kanilang hiwalayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Riva Quenery ay isang actress-vlogger, social media influencer, at performer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang miyembro ng sikat na noontime show na It’s Showtime, kung saan naging bahagi siya ng GirlTrends. Bukod sa kanyang pag-arte at pagsayaw, nakilala rin si Riva dahil sa kanyang aktibong presensya sa social media, lalo na sa YouTube, kung saan siya gumagawa ng lifestyle vlogs, challenges, at family-related content.

Binahagi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram story ang video na nagmula sa aktres na si Riva Quenery. Makikita sa video ang pagkanta nila kasama si Herbert Bautista ng awiting "Maybe This Time."

Naglabas ng saloobin si Riva Quenery tungkol sa sinapit ni Awra Briguela—naaresto si Awra sa Makati matapos ang isang gulo kung saan sinasabing ipinagtanggol niya ang kanyang mga kaibigan. Gayundin, tinanong ni Riva kung bakit si Awra lamang ang inaresto at bakit hindi pinanagot ang iba pang sangkot sa insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate