Lolit Solis, napagpasyahang hanggang December 31 na lang ang IG niya
- Napagpasyahan ni Lolit Solis na isara ang kanyang Instagram account sa darating na Disyembre 31
- Sinabi niyang nais na niyang magpahinga at ituon ang pansin sa semi-retired niyang buhay
- Pinuri niya ang mga kaibigan tulad nina Alden Richards, Paul Soriano, at Toni Gonzaga sa kanilang mga regalo
- Binanggit niyang mananatili ang kanyang koneksyon sa mga kaibigan kahit wala na siyang social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpasya ang beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis na itigil na ang paggamit ng kaniyang Instagram account sa darating na Disyembre 31. Sa isang emosyonal na pahayag, ibinahagi ni Solis ang kaniyang desisyon na magretiro na mula sa social media bilang bahagi ng kaniyang hangaring magpahinga at namnamin ang kaniyang semi-retired na buhay.
“Mentally tired na ako talaga at parang ayaw ko na talagang sagarin ang utak ko,” ani ni Solis. Dagdag pa niya, gusto niyang itigil ang pagiging “transparent” tungkol sa kaniyang nararamdaman at alisin ang pakiramdam na “sawsawera” sa ilang mga usapin.
Sa kabila ng kaniyang desisyon, ibinahagi ni Solis ang saya ng kaniyang Pasko, kung saan pinasalamatan niya ang mga kaibigang sina Mama Ten, Alden Richards, Paul Soriano, at Toni Gonzaga para sa kanilang mga regalo. “Iyon binigay na regalo ni Mama Ten at Alden Richards, iyon natanggap ko mula kay Paul Soriano at Toni Gonzaga, para bang nag-pull ng string sa puso ko,” ani pa niya.
Hindi rin nakalimutan ni Solis ang kaniyang mga non-showbiz friends na sina Bernard, Marivic, Faye, at Tet, na nagbigay daw sa kaniya ng tunay na pagkakaibigan. “It was a very happy life na talagang utang ko sa showbiz,” dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, handa na siyang magretiro at iwan ang social media habang masaya pa siyang tinatamasa ang kaniyang buhay. “Siguro naman kahit wala na akong IG at columns, iyon koneksiyon ko sa kanila hindi na mawawala,” sabi pa niya.
Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, nagpasalamat si Solis sa lahat ng sumuporta at nakasama niya sa kaniyang mahaba at makulay na career. “Time to stop while still enjoying. Goodbye, and Thank You very much for the friendship and patronage. All my LOVE. Babu and bongga,” pagtatapos niya.
Si Lolit Solis ay isang kilalang showbiz columnist, talent manager, at television personality sa Pilipinas. Siya ay tanyag dahil sa kanyang matapang at prangkang pagsusulat at pagsasalita tungkol sa mga artista at isyung pang-showbiz. Naging bahagi siya ng iba’t ibang programa sa telebisyon, kabilang ang mga talk show na tumatalakay sa mga balitang may kinalaman sa mga sikat na personalidad sa industriya.
Nagbigay ng kaniyang opinyon si Lolit Solis tungkol sa mga usap-usapang naghiwalay na sina Paolo Contis at Yen Santos, at ibinahagi rin ang ilan sa mga detalye tungkol sa aktor-host.
May nakakaaliw na kwento si Lolit na ibinahagi niya kamakailan tungkol sa umano’y pagsnob sa kanya ni Kobe Paras dahil kay Kyline Alcantara. Ayon sa beteranang kolumnista, natatawa pa rin siya tuwing naaalala niya ang insidenteng ito, na nagpapakita ng matinding proteksyon ni Kobe sa kanyang nobya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh