Luis Manzano, nag-react sa umano'y pag-snub sa pelikula ni Vilma Santos

Luis Manzano, nag-react sa umano'y pag-snub sa pelikula ni Vilma Santos

  • Umalma si Luis Manzano sa diumano’y pag-snub ng MMFF jurors sa pelikula ng kanyang ina, si Vilma Santos, ang Uninvited
  • Ibinahagi ni Luis ang komento ng netizen na si Blake Salcedo na nagduda sa hindi pagkilala sa pelikula at mga aktor nito
  • Binanggit ni Salcedo na ang Uninvited ay isang pelikulang tumalakay sa mga mahihirap at kontrobersyal na isyu, kaya’t hindi ito nakatanggap ng nararapat na parangal
  • Nagkomento si Luis, “Labo, kahit nomination 😳,” na nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa hindi pagkilala sa pelikula at mga pagganap ng mga aktor nito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-react si Luis Manzano sa umano'y pag-snub ng board of jurors ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pelikula ng kanyang ina, si Vilma Santos, ang Uninvited, sa naganap na "Gabi ng Parangal" ng MMFF 2024.

Luis Manzano, nag-react sa umano'y pag-snub sa pelikula ni Vilma Santos
Luis Manzano, nag-react sa umano'y pag-snub sa pelikula ni Vilma Santos
Source: Instagram

Ibinahagi ni Luis ang komento ng isang netizen na si Blake Salcedo, na naghayag ng pagkadismaya sa hindi pagkilala sa pelikula, kahit na ito ay tumalakay sa mahihirap at kontrobersyal na isyu. Ayon kay Salcedo, ang Uninvited ay ang pelikulang "brave enough" na magsabi ng matinding katotohanan, ngunit hindi nakatanggap ng pagkilala mula sa mga hurado.

Read also

Dennis Trillo, binigay ang napanalunang P100K sa mga PDL

Inilarawan ni Salcedo ang hindi pagkilala sa mga mahuhusay na pagganap nina Aga Muhlach at Gabby Padilla, at binanggit na tila hindi tinanggap ang matapang na mensahe ng pelikula dahil sa pagiging "raw" at "unbiased."

Aniya, kahit na may mga deserving na nanalo sa ibang kategorya, parang mayroong hindi pagkakapantay-pantay sa pagkilala sa Uninvited at sa mga aktor na kabilang dito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang post, sinabi ni Luis, "Labo, kahit nomination 😳," na nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa hindi pagkilala sa pelikula ng kanyang ina

Sa kabila ng hindi pagkilala sa pelikula, nagpatuloy ang mga tagasuporta ni Luis at ng Uninvited na ipahayag ang kanilang suporta sa pelikula, pati na rin ang mensahe nitong makatawid sa mga isyung panlipunan at pampulitika.

Si Luis Manzano ay isang kilalang aktor, television host, at endorser sa Pilipinas. Anak siya ng mga tanyag na personalidad sa industriya ng showbiz—si Vilma Santos, isang veteranong aktres at dating gobernador ng Batangas, at si Edu Manzano, isang aktor at politician.

Read also

Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital

Samantala, napuno ng tawanan ang panayam ni Luis sa 2-time Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang YouTube channel. Sa kanilang kwentuhan, hindi napigilan ni Carlos na matawa nang husto dahil sa pagiging kwela at mapagbiro ni Luis, na nagpakita ng kakaibang side ng batang gymnast.

Matapos ang matagumpay na panayam kay Carlos , si Chloe San Jose naman ang naging bisita ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel. Sa kanilang masayang usapan, ibinahagi ni Chloe ang mga karanasan niya mula sa personal niyang buhay, lalo na nang lumipat ang kanilang pamilya sa Australia noong siya ay 11 taong gulang pa lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate