Cristine Reyes, namataang umiiyak habang nagmamadaling umalis sa MMFF Gabi ng Parangal
- Kumakalat ang video ni Cristine Reyes na umiiyak habang nagmamadaling umalis sa venue ng ginanap na MMFF Gabi ng Parangal
- Makikita ang aktres na kasama ang mga security habang tila may kausap siya sa telepono
- Samantala sa Instagram story ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina, binahagi niyang nasa ospital ang kanilang ina
- Makikita din sa isang story niya ang picture ni Cristine kasama ang kanilang ina na nakahiga sa hospital bed
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kumalat ang video ni Cristine Reyes na umiiyak at nagmamadaling umalis mula sa venue ng ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal nitong 2024. Sa nasabing video, makikitang kasama ng aktres ang ilang security personnel habang may kausap siya sa telepono, na tila nagdudulot ng labis na pag-aalala.
Samantala, sa Instagram story ng kanyang kapatid na si Ara Mina, ibinahagi nito na kasalukuyang nasa ospital ang kanilang ina. Isang larawan rin ang inilagay ni Ara sa kanyang Instagram story, kung saan makikita si Cristine na nakaupo sa tabi ng kanilang ina na nakahiga sa hospital bed.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t walang opisyal na pahayag si Cristine o ang kanyang pamilya ukol sa detalye ng insidente, maraming netizen ang nagpahayag ng suporta at dasal para sa kalusugan ng kanilang ina. Sa kabila ng masaya at makulay na gabi ng MMFF, ipinapakita ng sitwasyong ito ang mga personal na hamon na hinaharap ng mga artista sa gitna ng kanilang tagumpay.
Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.
Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.
Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh