Moira Dela Torre, wala na sa Cornerstone Entertainment
- Kinumpirma ng Cornerstone Entertainment na wala na si Moira Dela Torre sa kanilang talent roster
- Nagdulot ng usap-usapan ang pag-unfollow ng Instagram account ng Cornerstone sa mang-aawit
- Sinabi ni Mac Merla na pormal nang natapos ang kontrata ni Moira sa kanila ilang linggo na ang nakalipas
- Naging maayos ang paghihiwalay ng Cornerstone at Moira matapos ang higit sampung taong pagsasama
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinumpirma na ng Cornerstone Entertainment ang paghiwalay nila sa singer-songwriter na si Moira Dela Torre. Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-unfollow ng Instagram account ng Cornerstone sa mang-aawit na nagpasikat sa kantang “Paubaya.”
Dahil sa mga kumalat na screenshots ng following list ng Cornerstone, naging palaisipan sa mga netizen kung ito ba ay hudyat na wala na si Moira sa nasabing entertainment company. Upang alamin ang katotohanan, nagpadala ng mensahe ang Abante News sa mga executives ng Cornerstone.
Isa sa mga unang sumagot ay si Mac Merla, celebrity manager ng Cornerstone. Ayon sa kanya, kumpirmado nang hindi na nila hinahawakan ang career ni Moira.
“No na. We released her na a few weeks ago 😊,” sagot ni Merla sa mensahe.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Mahigit sampung taon na rin ang pagsasama ni Moira at ng Cornerstone, kaya’t marami ang nalungkot sa kanilang paghihiwalay. Matatandaang noong Nobyembre, aktibo pa ang Cornerstone sa pag-promote ng kanta ni Moira na “I’m Okay.”
Bagama’t walang nagtatagal, ang mahalaga ay naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang panig. Patuloy pa rin ang suporta ng mga fans kay Moira sa kabila ng pagbabago sa kanyang career management.
Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.
Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira.
Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh