Pokwang, ibinunyag na walang child support si Lee O’Brian para kay Malia
- Isiniwalat ni Pokwang na hindi nagbibigay ng child support ang dating partner niyang si Lee O’Brian para sa kanilang anak na si Malia
- Sinabi niyang walang tinatago sa kaniyang mga anak at ipapaliwanag niya ang buong katotohanan kay Malia sa tamang panahon
- Ibinunyag din niya na hindi marunong humingi ng tawad si O’Brian at walang ipinakitang pagsisisi kahit matapos siyang ma-deport
- Naipanalo ni Pokwang ang deportation case laban kay O’Brian noong Disyembre 2023 at tuluyang na-deport ang Amerikano noong Abril 2024
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, isiniwalat ng komedyanteng si Pokwang na walang anumang suporta mula sa kanyang dating partner na si Lee O’Brian para sa kanilang anak na si Malia. Diretsahang sinabi ni Pokwang, "Wala. Wala talaga as in," nang tanungin ni Tito Boy kung nagbibigay ng suporta ang Amerikano.
Nang tanungin kung paano ipapaliwanag kay Malia ang tungkol sa ama nito sa hinaharap, pabirong sagot ni Pokwang, "Anak, i-Google mo na lang!" Dagdag pa niya, "Sabihin ko kung ano ang totoong nangyari. Wala akong tinatago sa mga anak ko. Walang kulang, walang sobrang kwento. Lahat, ilalatag ko sa kaniya."
Inihayag din ni Pokwang na hindi marunong humingi ng tawad si O’Brian o tumanggap ng sarili niyang pagkakamali, at walang ipinakitang pagsisisi kahit matapos siyang ma-deport.
Matatandaang naghiwalay sina Pokwang at Lee noong 2021. Bagamat idinepensa pa ng aktres ang dating partner laban sa mga third party rumors noong 2022, inamin niya sa isang panayam noong 2023 na ginawa niya ito sa pag-asang maisalba pa ang kanilang relasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi rin ni Pokwang na naging marahas sa kanya si O’Brian. Noong Disyembre 2023, naipanalo ng komedyante ang kaso ng deportation laban kay O’Brian, na tuluyang na-deport mula sa Pilipinas noong Abril.
Ayon kay Pokwang, patuloy siyang nagsusumikap bilang isang solong magulang para matustusan ang pangangailangan ni Malia at ng kanilang pamilya.
Si Pokwang ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh