Pokwang, proud lola sa apat na taong gulang na apo sa anak na si Mae
- Inihayag ni Pokwang sa "Fast Talk with Boy Abunda" na isa na siyang lola sa apat na taong gulang na apo mula sa kaniyang anak na si Mae
- Sinabi niyang masaya siya at itinuturing niyang isang biyaya ang pagiging lola sa kaniyang cute at matalinong apo
- Nabanggit din niya na hindi siya nagalit nang malaman niyang buntis ang anak niya noong panahon ng pandemya
- Kasalukuyang tumutulong si Mae at ang kaniyang partner sa negosyo ni Pokwang habang inuuna ang kanilang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inihayag ng komedyanteng si Pokwang na isa na siyang lola sa kanyang apat na taong gulang na apo mula sa kaniyang anak na si Mae. Sa panayam niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ng host ng "TiktoClock" ang espesyal na karanasan ng pagiging lola at ang kanyang love advice sa anak.
Saad ni Pokwang, "Tito Boy, may apo na 'ko. I'm a lola and it's another blessing." Habang nagsasalaysay, hindi napigilan ng aktres ang maging emosyonal. Ayon pa sa kanya, ang apo niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nais niyang humaba pa ang kanyang buhay.
Sinabi rin ni Pokwang na "Mamita" ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo, ngunit "Mommy Gay" ang naitawag nito.
Ibinahagi rin ni Pokwang ang kuwento ng pagbubuntis ng kanyang anak na si Mae. Ayon sa aktres, nabuntis si Mae noong panahon ng pandemya, bago ito makalipad papuntang New York para magtrabaho. Ngunit sa halip na magalit, lubos na natuwa si Pokwang nang malamang magiging lola na siya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Lagi kong sinasabi, maka-graduate ka lang, masaya na ako. Ginawa naman niya," saad ni Pokwang. Nagtapos si Mae ng kursong Culinary Arts sa Enderun Colleges.
Sa kasalukuyan, si Mae at ang kanyang non-showbiz partner ang tumutulong sa negosyo ng kanilang pamilya. Ibinahagi rin ni Mae na may plano silang magpakasal, ngunit prayoridad muna nila ang kanilang anak at ang bunsong kapatid na si Malia.
Si Pokwang ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.
Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update.
Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh