Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything"

Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything"

  • Nagbahagi si Paolo Valenciano ng emosyonal na mensahe tungkol sa kalagayan ng amang si Gary Valenciano
  • Sinabi ni Angeli Pangilinan na nagkaroon ng insidente si Gary bago ang kanyang concert ngunit itinuloy pa rin ito
  • Maayos na ang pakiramdam ng mang-aawit at tuloy ang concert ngayong Linggo sa Smart Araneta Coliseum
  • Pinasalamatan ng pamilya Valenciano ang mga tagahanga para sa kanilang panalangin at suporta

Nagbahagi ng emosyonal na mensahe si Paolo Valenciano kaugnay sa kalagayan ng kanyang ama, ang kilalang mang-aawit na si Gary Valenciano. Sa kanyang post, sinabi ni Paolo, “I’m still trying to process everything. I’m so so sorry. Sobrang bigat.” Umani ito ng suporta at panalangin mula sa kanilang mga tagahanga.

Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything"
Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything" (Marvia Chua via Gary Valenciano/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Angeli Pangilinan, asawa ni Gary, nagkaroon ng insidente sa likod ng entablado bago ang isang concert. “He ingested something and vomited so many times in the last two hours. He wasn’t sure he could do this concert,” ibinahagi ni Angeli. Ngunit sa kabila ng sitwasyon, nagdesisyon si Gary na ituloy ang kanyang pagtatanghal matapos ang paunang lunas na ibinigay ng mga doktor backstage.

Read also

Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024

Sinabi rin ni Angeli na maayos na ang pakiramdam ng mang-aawit at tuloy ang kanyang concert sa Smart Araneta Coliseum ngayong Linggo, Disyembre 22.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani ni Gary, “No weapon formed against me will prosper.” Sa kabila ng mga hamon, tiniyak ng kanilang pamilya na magpapatuloy ang Pure Energy One More Time concert bilang pasasalamat sa patuloy na panalangin at suporta ng kanilang mga tagahanga.

Si Gary Valenciano, na kilala rin bilang Gary V., ay isang kilalang mang-aawit, musikero, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga sikat na kanta ay kasama ang "Take Me Out of the Dark," "Di Bale Na Lang," at "Natutulog Ba Ang Diyos?" Nakikilahok siya sa iba't ibang gawain ng charity, lalo na ang mga may kinalaman sa kalusugan at edukasyon.

Matatandaang nag-viral ang video ni Gary kamakailan. Makikita sa naturang video ang pagiging emosyonal ni Gary matapos siyang bisitahin ng anak na si Kiana Valenciano. Naiyak ito habang niyakap ang anak. Ayon sa isa pang anak ni Gary na si Paolo, bihira na silang magkasama-samang pamilya sa isang lugar.

Read also

Cesar Montano, nagbahagi ng reaksiyon sa pag-amin ni Atong Ang sa relasyon nila ni Sunshine Cruz

Samantala, nilinaw ni Gary na hindi pa umano siya magre-retire sa industriya ng showbiz. Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng title ng kanyang concert sa darating na Abril. Aniya, hangga't tumitibok pa ang kanyang puso, patuloy pa rin ang kanyang pagtatanghal. Ipinaliwanag lang ng nag-iisang Mr. Pure Energy ang magiging pagkakaiba ng mga susunod niyang gagawing shows.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate