Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr

Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr

- Makalipas ang ilang buwan, naglabas muli ng panibagong "high school" video si Esnyr Ranollo

- Ilan sa mga kilalang personalidad na napanood sa naturang video ay sina Ivana Alawi at Josh Mojica

- Matatandaang pumapalo sa ng nasa 10million hanggang sa mahigit 20 million views ang mga video ni Esnyr

- Si Esnyr Ranollo ay isang content creator na sumikat noong pandemic dahil sa mga eksena sa high schoolshort video niya kung saan siya ang gumaganap ng lahat ng karakter

Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr
Ivana Alawi at Josh Mojica, ilan sa mga kilalang personalidad sa bagong video ni Esnyr (Esnyr)
Source: Youtube

Makalipas ang ilang buwan, muling nagpasiklab ang content creator na si Esnyr Ranollo sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong "highschool" video na agad umani ng milyong views.

Sa video na 'High School Hell Week Moments" gumulantang sa mga nakapanood nito sina Ivana Alawi gayundin ang CEO ng Kangkong chips na si Josh Mojica.

Naroon din ang mga content creator na sina Arman Salon at maging si Charuth na gumanap bilang kaklase ni Esnyr at ina ng isa sa mga naging karakter ni Esnyr.

Read also

Anthony Jennings, namataang naki-party sa cast ng Incognito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang naging viral si Esnyr Ranollo noong panahon ng pandemic dahil sa kanyang mga "highschool" short videos kung saan siya mismo ang gumaganap ng lahat ng karakter.

Ang kakaibang konsepto ng kanyang mga video, kung saan ipinapakita ang masalimuot na buhay sa isang highschool setting gamit ang iba’t ibang karakter na siya mismo ang gumanap, ay naging paborito ng maraming manonood.

Dahil dito, ang mga videos ni Esnyr ay pumapalo sa 10 milyon hanggang mahigit 20 milyon na views, na nagpatibay sa kanyang pagiging isa sa mga pinakasikat na content creator ng kanyang henerasyon.

Samantala, si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024

Minsan naring naimbita ni Ivana sa kanyang YouTube video si Esnyr, marami ang naaliw sa pagsasama ng dalawa na hindi rin daw nila umano inaasahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica