Diwata, kinagiliwan online sa school girl OOTD niya

Diwata, kinagiliwan online sa school girl OOTD niya

- Kinagiliwan si Diwata sa bagong OOTD post niya

- Ibinida niya ang kanyang school girl outfit, kumpleto with school bag pa

- Matatandaang minsan ding nag-viral si Diwata dahil naman sa kanyang Christmas outfit

- Si Diwata ay isang internet personality na sumikat sa kanyang Diwata pares overload na dinumog noon dahil sa murang halaga ngunit kalidad na lasa

Viral na naman ang internet personality na si Diwata, matapos mag-post ng kanyang bagong OOTD (Outfit of the Day) sa social media.

Diwata, kinagiliwan online sa school girl OOTD niya
Diwata, kinagiliwan online sa school girl OOTD niya (Diwata PARES OVerLoad Updates)
Source: Facebook

Sa kanyang post, ibinida niya ang kanyang cute at stylish school girl outfit na kumpleto pa with school bag, na agad nagpasikat at kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga at followers.

Ang bagong look ni Diwata ay mabilis na kumalat online, at maraming netizens ang nagbigay ng positibong reaksyon sa kanyang pagiging fashionable at masayahing personalidad.

Ang kanyang school girl outfit ay simple ngunit nakakatuwa, at ang pagkakaroon ng school bag ay nagdagdag ng retro at youthful vibe sa kanyang itsura.

Read also

Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan ding nag-viral si Diwata noong nakaraang taon dahil sa kanyang Christmas outfit, na naging usap-usapan sa social media dahil sa pagiging creative nito.

Ang kanyang kakayahang magdala ng iba't ibang estilo ay siyang nagpapalakas sa kanyang presensya online, kaya’t hindi nakapagtataka na lagi siyang nagiging trending sa mga posts at updates.

Si Diwata ay sumikat hindi lamang dahil sa kanyang agaw-eksenang mga OOTD kundi pati na rin sa kanyang Diwata pares overload, isang pagkain na naging paborito ng marami dahil sa murang halaga at kalidad na lasa.

Ang kanyang negosyo ay dinumog ng mga tao, at naging kilala siya sa pagpapakita ng dedikasyon sa pagbibigay ng masarap at abot-kayang pagkain.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Read also

Ice Seguerra, kinaaliwan sa kanyang todo-bigay na 'Salamin' dance

Kamakailan, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Samantala, naging bahagi rin si Diwata sa Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: