MJ Lastimosa, sa umano'y pagkakadawit sa mga screenshots: "Ano ba kasing ginawa ko?"

MJ Lastimosa, sa umano'y pagkakadawit sa mga screenshots: "Ano ba kasing ginawa ko?"

- Natanong kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang tungkol sa umano'y pagkakadawit ng pangalan niya sa mga lumabas na screenshots

- Aniya, wala siyang kinalaman at pinagselosan lang daw yata siya

- Dagdag pa niya, sanay na siya sa mga panlalait basta ang mahalaga daw ay naniniwala siyang maganda siya

- Napatanong pa siya kung siya daw ba ang tinutukoy sa screenshots dahil hindi naman daw sila magkakilala

Sa isang panayam, diretsahang tinanong si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa tungkol sa isyu ng pagkakadawit ng pangalan niya sa mga kontrobersyal na screenshots na lumabas kamakailan.

MJ Lastimosa, sa umano'y pagkakadawit sa mga screenshots: "Ano ba kasing ginawa ko?"
MJ Lastimosa, sa umano'y pagkakadawit sa mga screenshots: "Ano ba kasing ginawa ko?"
Source: Facebook

Ayon kay MJ, wala siyang kinalaman sa usapin at tila pinagselosan lamang siya. “Ano ba kasing ginawa ko? aniya, sabay banggit na sanay na siya sa mga panlalait ngunit pinaninindigan niyang naniniwala siyang maganda siya at iyon ang mahalaga.

Sa panayam na ibinahagi ni MJ Marfori, sinabi ni Lastimosa na normal na may mga relasyon na nagiging selosan, ngunit hindi niya raw maintindihan kung bakit siya nadadamay. “Pero hindi niya naman partner yun, di ba?” pabirong tanong pa ni MJ.

Read also

Ogie Diaz: "Let's give Anthony and Maris Racal a chance"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng isyu, nananatiling kalmado at positibo si MJ, na kilala sa pagiging matapang at mapagbiro sa harap ng mga kontrobersya.

Si Mary Jean Ramirez Lastimosa o mas kilala bilang si MJ Lastimosa ay isang Filipino-Arabian model, host, actress, TV presenter at beauty pageant titleholder. Kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2014 at kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2014 pageant at nakapasok sa Top 10 semifinalist.

Dumipensa si MJ matapos umani ng reaksiyon ang kanyang komento sa paglalakad ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig ang kanyang komentong ginaya umano nito ang lakad ni Catriona Gray. Isa si MJ sa mga naroroon sa mismong venue at nakapanood ng live sa naganap na swimsuit competition ng Miss Universe 2020. Nilinaw naman ni MJ na hindi siya nang-aaway at naghayag lamang siya ng kanyang opinyon base sa kanyang nakita.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ. Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyang pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito. Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado. Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate