Marian Rivera, nagsalita na tungkol sa viral na ‘Story of My Life’ meme

Marian Rivera, nagsalita na tungkol sa viral na ‘Story of My Life’ meme

  • Nagsalita si Marian Rivera tungkol sa viral niyang "Story of My Life" meme sa Christmas party ng DongYan fans noong December 14
  • Ibinahagi ni Marian na galing siya sa taping at puyat nang kantahin ang hindi niya kilalang kanta ni Rihanna
  • Tawang-tawa umano ang aktres sa tuwing nakikita niya ang meme at naaalala ang kanyang pag-awit
  • Pabiro niyang sinabi na “nabawi naman ng anak ko” ang nangyari, na ikinatuwa ng mga tagahanga

Sa kauna-unahang pagkakataon, game na game na sinagot ni Marian Rivera ang tanong tungkol sa viral niyang "Story of My Life" meme. Sa ginanap na Christmas party ng DongYan fans noong December 14, kung saan kasama rin ang kanyang asawang si Dingdong Dantes, masayang ibinahagi ng aktres ang kanyang paboritong meme.

Marian Rivera, nagsalita na tungkol sa viral na ‘Story of My Life’ meme
Marian Rivera, nagsalita na tungkol sa viral na ‘Story of My Life’ meme
Source: Instagram

Tinanong ni Dingdong ang aktres, “What is your favorite meme of yourself?” Na sinagot naman ni Marian nang pabiro, “Meme? Story of my life... 🎶 Bigyan niyo ako ng chance. Music please.”

Read also

Kim Chiu, napaamin tungkol sa 'Suspek, suspek' na hirit ni Vice Ganda tungkol sa kanya

Ayon kay Marian, tawang-tawa umano siya tuwing nakikita ang nasabing meme. Ibinahagi rin niya ang kwento sa likod ng video. “Galing akong taping nu’n, sobrang puyat ako, tapos [sabi], ‘eto kakantahin mo.’ Sabi ko, ‘Ano ‘to? ‘Di ko alam ang kantang ‘to.’ Rihanna daw ‘yan. Bahala na! Story of my life... Searching for a right... Khipshy into fall on me... 🎶”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ng aktres, natatawa na lang siya sa sarili niya tuwing naaalala ang nangyari. “Nabawi naman po ng anak ko,” pabirong sabi ni Marian, na ikinatuwa at ikinatawa ng kanilang mga tagahanga.

Ang viral na meme ay isa sa mga patunay kung gaano kasikat at natural na nakakatuwa si Marian Rivera, dahilan kung bakit patuloy siyang minamahal ng kanyang fans sa kabila ng mga taon sa showbiz.

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Read also

Annette Gozon-Valdes, nilinaw ang isyu ng "It's Showtime" renewal

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna".

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate