Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalikan ang panahong nagka-problema ang marriage nila

Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalikan ang panahong nagka-problema ang marriage nila

- Sa episode ng Heart World, inamin ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz escudero ang tungkol sa lumabas na balitang nagkalabuan sila

- Inamin ni Heart na hindi na sila nag-uusap noong panahong naroon sila sa GMA gala kung saan unang napansin ng publiko na tila may pinagdadaanan sila

- Ani Heart, dumating sa puntong naramdaman niyang hindi siya gusto maging ng mga anak ni Chiz ngunit nabago ito

- Nang magkabalikan sila ay naging mas maayos ang kanilang samahan at ikinasal nga silang muli

Sa isang episode ng Heart World, inamin nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ang naging hamon sa kanilang pagsasama nang lumabas ang balitang nagkalabuan sila.

Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalikan ang panahong nagka-problema ang marriage nila
Heart Evangelista at Chiz Escudero, binalikan ang panahong nagka-problema ang marriage nila
Source: Youtube

Ibinahagi ni Heart na dumating sila sa puntong halos hindi na sila nag-uusap, at ito ay kasabay ng GMA Gala kung saan unang napansin ng publiko na tila may pinagdadaanan ang mag-asawa.

Inamin din ni Heart na dumating ang pagkakataong naramdaman niyang hindi siya gusto maging ng mga anak ni Chiz. Gayunpaman, nagbago ang sitwasyon nang maayos nila itong pinag-usapan bilang pamilya.

Read also

Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos malampasan ang kanilang mga problema, nagdesisyon ang dalawa na muling ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng renewal of vows.

Ipinakita ng mag-asawa na sa kabila ng mga hamon, nananaig pa rin ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming netizens ang humanga sa kanilang katatagan at inspirasyon ang hatid ng kanilang kuwento sa mga mag-asawang may pinagdaraanan.

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Read also

H&M Philippines, humingi ng paumanhin sa insidente kaugnay ng PWD Customer sa Sta. Rosa Laguna

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate