Sharon Cuneta, ibinida ang mga larawan kasama sina PBBM at FL Liza Marcos
- Nagbahagi si Sharon Cuneta ng mga pictures kung saan kasama niya ang Pangulong Bongbong Marcos at ang Unang Ginang na si Liza Marcos
- Sa isa pang litrato ay kasama din niya ang kanyang asawag si dating Sen. Kiko Pangilinan
- Sa caption ay binahagi niya ang sinabi raw ni PBBM na welcome siya anumang oras
- Kamakailan ay nagbahagi rin si Sharon ng kanyang paghanga sa dating Bise Presidente Leni Robredo nang magkitasila ni PBBM
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi ang megastar na si Sharon Cuneta ng ilang litrato sa social media kung saan kasama niya ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Unang Ginang na si Liza Araneta-Marcos. Sa isang larawan, makikita rin ang kanyang asawang si dating Senador Kiko Pangilinan na kasama nila.
Sa caption ng kanyang post, ibinahagi ni Sharon ang sinabi umano ng Pangulo na “Anytime you feel like it just come here!”, na nagpapahiwatig ng kanilang mainit na pagtanggap sa kanya. “Nothing but love… and other friends!!! 💖🥰🎄,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang tumakbo si dating Senador Kiko Pangilinan sa ilalim ng magkalabang partido ni PBBM noong nakaraang 2022 Presidential elections bilang running mate ni Leni Robredo. Gayunpaman, sa kanyang post, ipinakita ni Sharon ang kanyang pagpapahalaga sa pagkakaisa at positibong ugnayan.
Kamakailan ay nagbahagi rin si Sharon ng kanyang paghanga sa dating Bise Presidente Leni Robredo nang magkita ang dating VP at si PBBM.
Aniya, “A step towards reconciliation… Para sa ikauunlad ng bayan, magkaisa na sana ang Pilipinas! 💖.” Ang kanyang mga pahayag ay umani ng papuri mula sa mga netizens na sumusuporta sa pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw sa politika.
Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.
Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.
Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh