Sofronio Vasquez, tinanghal na kampeyon sa The Voice Season 26

Sofronio Vasquez, tinanghal na kampeyon sa The Voice Season 26

- Nanalo si Sofronio Vasquez sa Season 26 ng The Voice at naging unang panalo ni Michael Bublé bilang coach

- Nilampasan niya ang apat na finalists mula sa Team Bublé, Team Reba, Team Snoop, at Team Gwen

- Lumaki si Vasquez sa Pilipinas at lumipat sa Estados Unidos noong 2022 upang tuparin ang pangarap sa musika

- Nagbigay-pugay si Vasquez sa kanyang yumaong ama na nagturo sa kanya ng pagmamahal sa pagkanta

Pinasikat ng Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang pangalan ng bansa matapos siyang tanghaling kampeon sa Season 26 ng The Voice ngayong Martes, Disyembre 10. Ang tagumpay na ito ay nagdala rin ng unang panalo para kay Michael Bublé bilang coach sa kanyang debut season.

Sofronio Vasquez, tinanghal na kampeyon sa The Voice Season 26
Sofronio Vasquez, tinanghal na kampeyon sa The Voice Season 26
Source: Instagram

Lumuluhod si Vasquez sa entablado habang ipinapahayag ang kanyang tagumpay, kasabay ng emosyonal na pag-iyak ni Bublé. “Ang aking kapatid na Pilipino, ikaw ang pag-asa ng napakaraming tao... isang di-makakalimutang paglalakbay ang makasama ka rito,” ani Bublé bago pa man ihayag ang pagkapanalo ni Vasquez.

Read also

Claudine Barreto, pinasa kay Alfy Yan ang last gift na binigay nya noon kay Rico

Si Vasquez ang nangibabaw laban sa iba pang finalist na sina Shye (Team Bublé), Danny Joseph (Team Reba), Jeremy Beloate (Team Snoop), at Sydney Sterlace (Team Gwen).

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumaki si Vasquez sa Pilipinas at pinasasalamatan ang kanyang yumaong ama na nagturo sa kanya ng pagmamahal sa pagkanta. Noong 2022, lumipat siya sa Estados Unidos upang tuparin ang kanyang pangarap sa musika matapos ang pagpanaw ng kanyang ama.

Sa kanyang blind audition, tinanghal niyang awitin ang "I'm Goin' Down" ng Rose Royce, kung saan nakuha niya ang four-chair turn at piniling maging bahagi ng Team Bublé.

Sa episode noong Disyembre 2, muling pinahanga ni Vasquez si Bublé sa kanyang emosyonal na pagganap ng “If I Can Dream” ni Elvis Presley. Ani ng Canadian crooner, “Kung naiintindihan ng mga tao ang lakas na mayroon ka at kung paano ka nagpapatuloy sa kabila ng lahat ng pagsubok, mapagtatanto nila kung gaano kahalaga ang iyong tagumpay.”

Read also

Pelikulang 'Sunshine' ni Maris Racal, pasok sa prestihiyosong Palm Springs Int’l Film Festival

Sa isang panayam noong Disyembre 9, ibinahagi ni Vasquez ang kanyang pasasalamat at plano pagkatapos ng finale. “Ipagdiriwang namin ang magandang takbo ng The Voice sa season na ito. Nararamdaman namin ang pagmamahal ng buong produksyon. Ang lahat ng ito ay inilagay namin sa mga kamay ng Amerika,” aniya.

Ang tagumpay ni Sofronio Vasquez ay isa na namang patunay ng husay at talento ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Ilan sa mga sikat na pangalan na nagdala ng karangalan sa bansa ay sina Marcelito Pomoy na nagpakitang-gilas sa America's Got Talent: The Champions, Katrina Velarde na nagpabilib sa maraming international audiences sa kanyang vocal acrobatics at Charice Pempengco na naging global sensation matapos ang kanyang mga pagtatanghal.

Ang tagumpay nila ay hindi lamang nagbukas ng pinto para sa mas maraming Pilipinong mang-aawit, kundi nagpatunay rin na ang talento ng Pinoy ay maipagmamalaki sa pandaigdigang entablado.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate