Claudine Barreto, pinasa kay Alfy Yan ang last gift na binigay nya noon kay Rico
Pumirma si Alfy Yan, pamangkin ng yumaong Rico Yan, bilang miyembro ng Viva Artists Agency nitong December 10
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Una siyang napansin noong 2020 matapos mag-viral ang kanyang mga litrato na tila kamukha ng kanyang tiyuhin
Sa tulong ni Claudine Barretto, pumasok si Alfy sa showbiz bilang commercial model at brand endorser sa edad na 19
Suot ni Alfy ang relo na huling regalo ni Claudine kay Rico bilang simbolo ng suporta at inspirasyon sa kanyang bagong career
Pormal nang pumirma si Alfy Yan, pamangkin ng yumaong matinee idol na si Rico Yan, bilang miyembro ng Viva Artists Agency (VAA) nitong Martes, December 10. Kasama sa kanyang journey sa showbiz ang kanyang tita na si Claudine Barretto, na todo suporta sa bagong yugto ng buhay ng binata.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Noong 2020, unang napansin si Alfy matapos mag-viral ang kanyang mga litrato kung saan inihalintulad siya ng mga netizen sa kanyang tiyuhing si Rico Yan. Gayunpaman, dahil 15 taong gulang pa lamang siya noon, pinili niyang ituon ang pansin sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagmamahal sa baseball.
Ngayon, sa edad na 19, handa na si Alfy na sumabak sa showbiz bilang commercial model at brand endorser. Sa kanyang contract signing, suot niya ang isang espesyal na relo na dati nang pag-aari ni Rico at ibinigay sa kanya ni Claudine.
Ayon sa ulat ng Pikapika,ph, sinabi ni Claudine na ang relo ay ang huling regalo niya kay Rico noong kanilang huling Pasko na magkasama. “Ito ’yong last gift na binigay ko sa kanya for Christmas,” ani Claudine sa panayam kay Ogie Diaz noong Mayo 2024. Sa relo na ito, dala ni Alfy ang alaala at inspirasyon ng kanyang yumaong tiyuhin habang sinisimulan niya ang kanyang showbiz career.
Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.
Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.
Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh