Ogie Diaz, naintriga sa isang komento ukol kay Jam Villanueva: "Parang may detalyeng alam siya"

Ogie Diaz, naintriga sa isang komento ukol kay Jam Villanueva: "Parang may detalyeng alam siya"

- Naintriga sina Ogie Diaz sa isang komento tungkol umano kay Jam Villanueva

- Matatandaang si Jam ay ang ex-girlfriend ng aktor na si Anthony Jennings

- Kamakailan, nailabas ni Jam ay maeskandalo umanong palitan ng messages nina Maris at Anthony

- Sa mensaheng tinutukoy ni Ogie, sinasabi ng netizen na may ilalabas din sila umanong screenshot at kumukunsulta

Naintriga si Ogie Diaz, gayundin ang mga kasamahan niya sa kanyang Showbiz Update ukol sa isang komento umano ng netizen tungkol kay Jam Villanueva.

Ogie Diaz, naintriga sa isang komento ukol kay Jam Villanueva: "Parang may detalyeng alam siya"
Jam Villanueva and Anthony Jennings (Jam Villanueva)
Source: Instagram

Si Jam ay ang dating kasintahan ni Anthony Jennings. Matatandaang kalakip ng tuluyan niyang pamamaalam sa aktor ay ang pagsisiwalat umano ng private messages nina Maris Racal at katambal nito sa love team na 'MaThon.'

Sa komento na nabasa nina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ogie, tila may alam ang isang netizen tungkol naman sa panig Anthony laban kay Jam.

Mababasa rin doon na tila may ilalabas namang screenshot ang nag-post na ito na siyang makapagsisiwalat umano ng nagawa naman ni Jam kay Anthony.

Read also

John Lapus, usap-usapan dahil sa post: “Baka ilabas ko ang mga Globe Tracker pics & vids”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sino kaya? Baka alam ninyo ha. Kasi kami, hindi namin alam. Kasi parang may detalyeng alam siya," ani Ogie.

"Tingnan natin, oras-oras, araw-araw nag-iiba ang mga statements na 'yan," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Anthony Jennings ay isang Kapamilya actor. Gumanap siya bilang kapatid ni Alden Richards sa 'Hello Love Goodbye.' Marami na ring proyekto na nasamahan ni Anthony subalit ang pinakatumatak sa publiko ay ang karakter niyang si Snoop sa sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang 'Can't Buy Me Love'

Sa nasabing serye rin nabuo ang love team nila ni Maris Racal na tinawag na 'SnoRene' at nang matapos ang serye, nagi na itong 'Mathon.'

Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng kanyang ex-girlfriend ang mga private message nila ni Maris na labis na gumulantang sa publiko.

Read also

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

Naglabas na ng pahayag si Maris ukol sa kontroberiya na sinundan naman ng napakaiksing apology video ni Anthony. Umani ito ng samu't saring reaksyon sa publiko na hindi naiwasang ikumpara ang pahayag ni Maris kay Anthony.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica