Ogie Diaz, napuri ang panganay nina Dingdong at Marian: "Nakakatuwa si Zia!"
- Maging si Ogie Diaz ay natuwa sa performance ni Zia Dantes
- Matatandaang ibinahagi ng ama nitong si Dingdong Dantes ang isa sa mga espesyal na raw na ito ni Zia
- Hindi maiwasang maging emosyonal ng ina nitong si Marian Rivera sa sobrang proud sa kanyang anak
- Si Zia ang panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagdiwang ng kanyang 9th birhday kamakailan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Natuwa si Ogie Diaz sa naging performance ni Zia Dantes sa recital nito noong December 1 na ginanap sa Podium Hall in Ortigas Center, Mandaluyong City. Kinanta ni Zia ang awiting Rise Up ni Andra Day.
Matatandaang ibinahagi ng ama ni Zia na si Dingdong Dantes ang mga naging kaganapan sa recital na ito kung saan makikitang naging emosyonal ang aktres at ina ni Zia na si Marian Rivera na super proud sa kanyang panganay na anak.
"You made Mama so proud! Remember, I'm always here to support you. Keep dreaming big!" ang naging caption ni Marian sa kanyang post ukol kay Zia.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang natanggap ni Zia kabilang na rito si Ogie Diaz na binati rin sina Dingdong at Marian na very supportive umano sa kanilang anak.
Narito ang kabuuan ng post na ibinahagi rin ni Ogie Diaz:
Si Maria Letizia "Zia" Dantes ay ang panganay na anak ng mga kilalang Kapuso Stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kamakailan ay nagdiwang ito ng kanyang 9th birthday.
Matatandaang tinaguriang top-grosser film of all time sa Pilipinas ang pelikula ni Dingdong at ng kanyang misis na si Marian Rivera na "Rewind." Isa ito sa sampung pelikula ng Metro Manila Film Festival noong 2023.
Dahil dito, kinilala sila at ang kanilang pelikula sa senado matapos na kumita umano ito ng 903 million at tumaas pa ng 924 million.
Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh