Rufa Mae Quinto, may mga warrant of arrests ayon kay Boy Abunda

Rufa Mae Quinto, may mga warrant of arrests ayon kay Boy Abunda

- Kinumpirma ni Boy Abunda na may warrant of arrest si Rufa Mae Quinto kaugnay sa umano’y investment scam ng isang beauty clinic

- Ayon kay Boy, ang isyu ay wake-up call para sa mga artista at managers na masusing usisain ang kanilang mga kontrata

- Nilinaw niya na ang responsibilidad ng endorser ay nakabatay lamang sa tiwala sa kumpanya at hindi direktang kaugnay sa operasyon nito

- Nasangkot din sa parehong kaso ang aktres na si Neri Naig, na naaresto kamakailan dahil sa Securities Regulation Code violation

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng King of Talk at talent manager na si Boy Abunda na may warrant of arrest ang kanyang alaga, ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto, kaugnay sa umano’y investment scam ng isang beauty clinic na kanyang ineendorso.

Rufa Mae Quinto, may mga warrant of arrests ayon kay Boy Abunda
Rufa Mae Quinto, may mga warrant of arrests ayon kay Boy Abunda
Source: Youtube

Sa programa niyang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, December 2, nagsalita si Boy upang linawin ang isyu at ipahayag ang kanyang saloobin. Aniya, ang sitwasyon ay isang wake-up call para sa mga artista at talent managers na usisain nang mabuti ang mga kontrata bago pumasok sa anumang endorsement.

Read also

Daniel, nanibago umano sa paggawa ng action matapos ang signature romantic drama ng KathNiel

“I am alarmed as a member of this industry and as a manager,” ani Boy, habang inilahad ang palaisipan kung hanggang saan ang responsibilidad ng isang endorser sa produkto o serbisyong kanilang ineendorso.

Nilinaw din niya na ang endorser ay umaasa lamang sa impormasyon mula sa kumpanya at hindi direktang responsable sa anumang kakulangan o problema sa serbisyo ng ineendorso nilang produkto. “Do I own the company? Am I liable kung, halimbawa, hindi masyadong kagandahan? But I have so many questions,” dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang nasabing kaso ay nagdadawit din sa pangalan ng aktres-businesswoman na si Neri Naig, na kamakailan ay inaresto sa Pasay City dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code.

Bagamat hindi pa malinaw kung paano naugnay si Rufa Mae at si Neri sa naturang kaso, sinabi ni Boy na ito’y isang mahalagang usapin na kailangang pagtuunan ng pansin ng industriya. “Eto po ’yung aking nararamdaman kaya hindi ko po napigilan na hindi magsalita,” wika niya.

Read also

Neri Miranda, dinala sa ospital matapos ang pagkakaaresto sa kasong syndicated estafa

Samantala, nilinaw ni Boy Abunda na si Rufa Mae lamang ang kanyang talent na may kumpirmadong warrant of arrest at wala pang detalye ukol sa iba pang personalidad na nasasangkot sa isyu.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate