Ogie Diaz, nagtanong kung totoong may warrant of arrest din sina Rufa Mae Quinto at Manny Pacquiao

Ogie Diaz, nagtanong kung totoong may warrant of arrest din sina Rufa Mae Quinto at Manny Pacquiao

- Ibinahagi ni Ogie Diaz na may balitang sinilbihan ng warrant of arrest sina Manny Pacquiao at Rufa Mae Quinto

- Sinasabing si Rufa Mae ay endorser ng Dermacare, habang si Manny Pacquiao ay franchisee o brand ambassador noong 2022

- Ipinahayag ni Ogie ang posibilidad na hindi aware ang dalawa sa umano’y “surprise warrant of arrest”

- Wala pang inilalabas na pahayag mula kina Rufa Mae at Manny Pacquiao upang linawin ang isyu

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang matinding pasabog ang ibinahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang pinakabagong episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Nobyembre 28. Sa kanyang programa, ibinunyag niya ang isang kontrobersyal na tsika na umano’y may “warrant of arrest” na sinilbihan sa dating Senador at boxing legend na si Manny Pacquiao at komedyanteng si Rufa Mae Quinto.

Ogie Diaz, nagtanong kung totoong may warrant of arrest din sina Rufa Mae Quinto at Manny Pacquiao
Ogie Diaz, nagtanong kung totoong may warrant of arrest din sina Rufa Mae Quinto at Manny Pacquiao
Source: Youtube

Ayon kay Ogie, nasagap niya ang balitang ito mula sa isang mapagkakatiwalaang source. “May nagparating ulit sa amin. Totoo ba ito? Na maging sina Rufa Mae Quinto at People’s Champ Manny Pacquiao ay may warrant of arrest din?” ani Ogie habang nagpahayag ng kanyang pagkabigla.

Read also

Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila

Ipinaliwanag din niya na parehong naugnay sina Rufa Mae at Pacquiao sa Dermacare, isang negosyo kung saan ang una ay naging endorser at ang huli naman ay franchisee o brand ambassador noong 2022.

“Sana hindi ito totoo. Otherwise, maaari itong linawin ng kampo ni Rufa Mae at ni Manny Pacquiao. O baka hindi rin sila aware sa surprise warrant of arrest,” dagdag ni Ogie, na sinabing masalimuot ang ganitong sitwasyon para sa mga celebrity na nahahalo sa negosyo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binanggit din ni Ogie ang tila lumalaking takot ng ilang artista na maging bahagi ng anumang produkto bilang endorser o brand ambassador. “Nakakaloka, ha! Kapag nalugi ang negosyo, parang automatic na mga artista ang hinahabol,” aniya.

Samantala, wala pang pahayag na inilalabas sina Manny Pacquiao at Rufa Mae Quinto kaugnay ng isyu. Patuloy pa ring hinihintay ng publiko ang kanilang sagot upang linawin ang naturang kontrobersiya.

Abangan ang karagdagang detalye sa isyung ito habang patuloy ang pagtutok ng mga tagasubaybay.

Read also

Gerald Anderson, ayaw makialam sa isyu ng pamilya ni Julia Barretto at Dennis Padilla

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Matatandaang nagbigay ng payo si Ogie kay Willie Revillame na palawakin ang pasensya matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya sa kanyang show na "Will to Win" . Sa episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" noong Hulyo 19, 2024, sinabi ni Ogie na maaaring magpahinga si Willie kung hindi niya kayang palawakin ang kanyang pasensya.

Nagbahagi ng opinyon si Ogie tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Jude Bacalso na nagpatayo umano ng waiter ng dalawang oras. Ayon kay Ogie, nainsulto si Bacalso dahil tinawag siyang "sir" habang nakaayos-babae.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate