Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila

Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila

- Umabot sa P89 milyon ang perang na-invest umano ng mga nagkaso kay Neri Miranda ayon sa kanilang abogado

- Inakusahan si Miranda at anim pang board members ng Dermacare-Beyond Skincare Solutions ng panloloko sa pamamagitan ng paghimok ng investment sa negosyo na walang lisensya

- Tumalbog umano ang mga tseke mula sa kumpanya noong 2023 matapos maglabas ng abiso ang SEC tungkol sa ilegal nilang operasyon

- Naghain ng kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code ang 39 na nagreklamo laban kay Miranda

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inihayag ni Atty. Roberto Labe, abogado ng 39 na kliyenteng nagreklamo laban kay Nerizza Naig Miranda, na umabot sa P89 milyon ang na-invest ng kanyang mga kliyente sa skincare business na pinamumunuan ni Miranda. Kasalukuyan siyang nahaharap sa mga kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code matapos ang kanyang pagkakaaresto noong Sabado.

Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila
Investment ng mga nagkaso kay Neri, umabot sa P89 M ayon sa abogado nila (BS-CBN News, @mrsnerimiranda | Instagram)
Source: Instagram

Sa panayam na binahagi ng ABS-CBN, sinabi ni Labe an ang mga nagreklamo ay mula sa Quezon City, Pasay City, Sta. Rosa City sa Laguna, at Batangas City. Inakusahan nila si Miranda at anim pang board of directors ng Dermacare-Beyond Skincare Solutions ng panloloko sa publiko sa pamamagitan ng paghimok ng investment para sa isang negosyo na wala umanong lisensyang mangalap ng pondo mula sa publiko.

Read also

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

“They started online, asking [the] public to invest. Then of course this scheme-- mayroon silang clinic, which is legitimate naman yung clinic." paliwanag ni Labe.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, nakatulong umano ang kredibilidad ni Miranda bilang isang kilalang negosyante upang mahikayat ang mga biktima. "Isa yun sa mga rason bakit napapatibay, tumibay yung loob ng mga investors dahil knowing for a fact that Ms. Neri is a person with integrity--kita niyo naman po magaling po siya sa negosyo. I think there was one segment na ‘Wais na Misis’ di ba?” ani Labe.

Noong 2023, napansin ng mga kliyente ni Labe na tumatalbog na ang mga tsekeng inisyu ng kumpanya. Ayon sa abugado, lumabas sa abiso ng Securities and Exchange Commission (SEC) na hindi awtorisado ang Dermacare-Beyond Skincare Solutions na mangalap ng pondo mula sa publiko.

Paliwanag ng SEC, ang kumpanya ay nag-aalok ng “franchise partner agreements” na nangako ng 12.6 porsyentong interes kada quarter sa loob ng limang taon, ngunit wala itong kaukulang lisensya.

Read also

Tinurong boss ni Yexel Sebastian na si Hector Pantollana, naaresto na

Sa kabila ng pangakong malalaking kita, unti-unti umanong nawalan ng kakayahan ang kumpanya na ibalik ang perang in-invest ng mga tao, lalo na matapos mabunyag na wala itong rehistrasyon at lisensya mula sa SEC.

Sinabi rin ni Labe na hindi na nila makontak ang orihinal na may-ari ng kumpanya na kinilala bilang “Chanda” Atienza, na kasalukuyang hinahanap din ng mga awtoridad.

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.

Read also

Ama, tinaga ang sariling anak sa Cebu: arestado sa hot pursuit operation

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: