Niño Muhlach, nilinaw ang biro niya sa pagpapaareglo sa kaso ni Sandro
- Nilinaw ni Niño Muhlach na biro lamang ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaareglo sa kaso ng pang-aabuso
- Sinabi niyang ang kanilang pamilya ay hindi naghahangad ng areglo at nais lamang makamit ang hustisya
- Binanggit niyang ang Department of Justice ang hahawak sa kaso at nagtitiwala siya sa legal na proseso
- Nagpasalamat siya sa mga sumusuporta at tiniyak na ang katotohanan ang mananaig
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng paglilinaw si Niño Muhlach sa publiko matapos umani ng iba't ibang reaksyon ang kanyang pahayag sa isang panayam kamakailan. Ayon sa aktor, ang kanyang mga komento ay biro lamang at hindi dapat seryosohin ng mga nakikinig.
“Para sa mga hindi marunong mag-differentiate ng joke at ng totoong comments, para sa inyo ito,” saad ni Muhlach. Ipinaliwanag niyang kilala siya ng mga malapit sa kanya bilang taong mahilig magpatawa at gawing magaan ang usapan, ngunit aniya, hindi ito nangangahulugan na hindi niya sineseryoso ang sitwasyon ng kanyang pamilya.
Binigyang-diin ni Muhlach na ang kanilang pamilya ay walang intensyon na magpaareglo kaugnay sa kaso ng pang-aabusong sekswal na naranasan ng kanyang anak. “My son is a victim of s3xual abuse and I want to make it unequivocally clear that we have no intention of seeking a settlement from the perpetrators,” aniya.
Dagdag pa niya, sapat na ang mga biyayang natanggap ng kanilang pamilya, at ang kanilang pokus ay magbigay-daan sa katarungan hindi lamang para sa kanyang anak kundi para na rin sa iba pang biktima ng karahasan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Muhlach, hawak na ng Department of Justice ang kaso at buo ang kanyang tiwala sa legal na sistema ng bansa upang makamit ang nararapat na hustisya. Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta sa kanila mula simula ng laban.
"The truth will always prevail."
Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay isang kilalang aktor sa industriya ng pelikulang Pilipino. Isa siya sa mga batang artista noong dekada '70 at '80 na sumikat sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga pelikula.
Matatandaang tatlong hotel ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach. Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano'y pangmomolestya.
Kinuwestiyon naman ni Senator Jinggoy Estrada kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang insidente. Sinabi ni Estrada na unang lumabas ang impormasyon sa publiko bago pa ito nalaman ng pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh