Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri

Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri

- Sa gitna ng lumabas na balita kaugnay sa umano'y pagkakaaresto kay Neri Naig, marami ang naghihintay ng magiging pahayag ng mag-asawang Chito Miranda at Neri

- Maging ang post ni Chito ay hindi nakaligtas at mayroong mangilan-ngilang komento tungkol sa umano'y pagkakaaresto kay Neri

- Gayunpaman, wala pa ring nilalabas na pahayag si Chito, bagkus ay ang kanyang pinakabagong post ay ang laruan ng anak niya na aniya ay gusto niya din

- Matatandaang kamakailan lang nang banggitin ni Ogie ang tungkol sa nakarating na balita sa kanya na naaresto daw si Neri at kabilang sa most wanted

Sa gitna ng kontrobersiyang bumalot sa umano'y pagkakaaresto ni Neri Naig, patuloy na inaabangan ng netizens ang pahayag ng mag-asawang Chito Miranda at Neri. Lumabas ang balita matapos banggitin ni Ogie Diaz ang umano’y impormasyon na kabilang si Neri sa listahan ng mga most wanted.

Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri
Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri
Source: Instagram

Sa kabila ng isyung ito, tahimik pa rin si Chito at walang direktang tugon ukol sa usapin. Sa halip, nagbahagi siya ng bagong post sa kanyang social media na may larawan ng laruan ng kanilang anak. Ani Chito sa caption, gusto niya rin ang laruan ni Miggy.

Read also

Kristel Fulgar, ibinida ang kanyang Oppa:"Thank God I found him"

Hindi naman nakaligtas ang post na ito sa ilang netizens na nagkomento tungkol sa balita kay Neri. Bagamat may mga nagtanong at naglabas ng opinyon, nananatiling walang pahayag mula kay Chito o Neri tungkol sa usapin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang nag-trending ang balita matapos umanong maaresto si Neri, ngunit hanggang ngayon ay walang opisyal na kumpirmasyon o detalye mula sa mga sa mag-asawa. Patuloy na naghihintay ang publiko sa anumang paglilinaw mula sa Miranda-Naig household.

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo.

Read also

Coco Martin, mas gustong magbigay ng trabaho kaysa magpaulit-ulit na magbigay ng pera

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate